Home » Superstitions »
Pamahiin sa Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)
- Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay siguradong matatalo. (Don't gamble if you've just had a haircut, for you are certain to lose.)
- Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos. (Never give a pair of shoes away for free. Either throw up the shoes up int he air and let the prospective owner pick them up, or let him or her buy it for five centavos.)
- Huwag upuan ang mga libro, kung hindi ikaw ay magiging bobo. (Don't seat on books, or you will be dumb.)
- Bago magtapon ng mainit na tubig sa lupa, magbigay muna ng hudyat sa mga dwende. Kapag sila ay nasalanta, sila ay maaaring maghiganti sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng sakit. (Before throwing hot water onto the ground, give a warning to the elves. When harmed, they may retaliate by making you sick.)
- Bago tumapak sa isang bundok ng mga langgam, manghingi muna ng paumanhin. Kung hindi, ikaw ay papaglaruan ng isang espiritu. (Before stepping on an anthill, first ask to be excused. Otherwise, a spirit may play tricks on you.)
- Maglagay ng luya sa iyong katawan kapag ikaw ay bumibisita sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng ibang tao, upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga kamay ng mga masasamang espiritu sa lugar na iyon. (Carry a piece of ginger on your body when you visit a place not frequented by others, so that the evil spirits of that place will not harm you.)
- Kapag ikaw ay naglalakad sa gubat, magpahid ng bawang sa iyong mga paa upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga hayop doon. (If you walk int he forest, rub your feet with garlic to prevent animals from harming you.)
- Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto. (Do not harm or cut down a balete tree, because it is a dwelling place of fairies and enchancted spirits.)
- Huwag sumipol o umawit sa gubat baka ikaw ay gayahin ng mga engkanto at maging dahilan ng iyong pagkakasakit. (Don't whistle or sing in the forest, lest the enchanted spirits imitate you and cause to fall ill.)
- Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo. (If someone sneezes while you are about to leave your house, postpone your trip or something bad will happen to you.)
- Upang maalis ang iyon takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos. (To overcome stage fright when speaking in public, tuck one-centavo coin inside the shoes you are wearing.)
- Huwag putulin ang iyong kuko sa gabi, o sa mga araw ng Martes, Miyerkules, at Biyernes. (Don't cut your nails at night, or on Tuesdays, Wednesdays, or Fridays.)
- Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan. (If you happen to get lost, invert your clothes and you will find your way.)
- Upang huwag umulan, kumuha ng abo mula sa iyong kusina at isabog ito sa iyong bakuran. (To prevent rain, take ashes from the kitchen and spread them over your yard.)
- Huwag lumabas kapag araw ng Huwebes at Biyernes Santo, dahil ang mga masasamang engkantada ay nagsisipaglabasan sa mga araw na ito upang manakit ng mga tao. (Don't go out on Holy Thursday and Good Friday, for evil fairies are roaming around to hurt people.)
SOURCE:
Posted in
Pamahiin
,
Superstitions
Related posts:
If you enjoyed this article, subscribe to receive more great content just like it.
Popular Posts
-
MGA TUNGKULIN NG 24 ANCIANOS 1. UPHMADAC - Ito ang pinakaunang espirito sa 24 Ancianos, maliban sa pagbabantay sa unang oras o al...
-
DALAWANG KARUNUNGAN NG DIYOS ANG SANDAIGDIGANG TIRAHAN NG MGA NILALANG NG DIYOS AY MAYROONG LIBO-LIBONG URI NG PANINIWALANG HALOS ...
-
A balut or balot is a developing duck embryo that is boiled alive and eaten in the shell. It is commonly sold as streetfood in the...
-
Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan. (Cry at night and you will be happy tomorrow.) Huwag kang magsuklay ng iyong bu...
-
Ang salitang Flores ay nagmula sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “bulaklak”. Ang mga Espanyol rin ang nagpakilala sa ating mga P...
-
Huwag maliligo sa araw ng Biyernes (Don't take a bath on a Friday.) Huwag maliligo sa hapon. (Don't take a bath in the aft...
-
Inisip ng Dios na bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay magkaroon siya ng isang kasangguni na ...
-
Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon. (Whatever you do or feel on Ne...
-
Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan. (Avoid recurring dreams by turning your pillow...
Connect with Facebook
Sponsors
Statistics
Blog Archives
- October 2014 (1)
- January 2014 (28)
Recent Comments
Tag Cloud
Labels
Action
(1)
Alamat
(2)
Articles
(1)
Documentary
(1)
Fantasy
(1)
Horror
(2)
Humor
(1)
Images
(6)
Jokes
(6)
Kababalaghan
(3)
Lagim
(3)
Legends
(2)
Lihim
(3)
Love Story
(1)
Music
(3)
Mystery
(1)
Novels
(4)
Others
(1)
Pamahiin
(5)
Poem
(1)
Qoutes
(1)
Recipes
(1)
Religion
(4)
Ridels
(1)
Romance
(3)
Sayings
(1)
Sci-Fi
(1)
Short Story
(1)
Superstitions
(5)
Tradition
(1)
Videos
(4)
0 comments for this post
Leave a reply