Font Page
Recent Articles

ANG LIHIM AT HAYAG NA KARUNUNGAN Chapter I


DALAWANG KARUNUNGAN NG DIYOS 

ANG SANDAIGDIGANG TIRAHAN NG MGA NILALANG NG DIYOS AY MAYROONG LIBO-LIBONG URI NG PANINIWALANG HALOS HINDI KAYANG IPALIWANAG ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT ANG MGA TAO'Y NAGKAHIWA-HIWALAY AT HINDI NAGKASUNDO SA WALANG IBA AT NAG-IISANG DIYOS. 

SANG-AYON SA MGA HULING SURVEY, ANG BUONG MUNDO NGAYON AY MAYROON NANG HUMIGIT KUMULANG 12 BILYONES POPULASYON NG TAO; SA DAMI NITO, HINATI-HATI ITO NG MARAMING IDOLOHIYA AT LIMANG RELIHIYON TULAD NG: 

1. KRISTIYANO 
2. BUDHISMO 
3. SINTOISMO 
4. HINDUISMO 
5. MUHAMEDANISMO 

SA LIMANG ITO NAGSIMULA ANG LIBO-LIBONG URI NG PANANAMPALATAYA AT NAG-AANGKIN NG KALIGTASAN AT DITO RIN NAGSIMULA ANG DEBATIHAN NA KADALASAN AY NAUUWI SA AWAY. 

ANG RELIHIYON AY SIYANG NAMAMAGITAN NG DIYOS AT NG TAO, KUNG WALA ANG RELIHIYON ANG TAO AY HINDI MAKAKAKILALA SA DIYOS. DAHIL DITO NAGMUMULA ANG DOKTRINA NA SIYANG GINAGAMIT NG DIYOS UPANG SIYA AY KILALANIN NG MGA TAO SA LUPA. 

ANG PILIPINAS AY ISA SA KILALANG BANSANG KRISTIYANO SUBALIT ANG MGA PILIPINO AY HINDI MAGKAISA SA KANILANG PANANAMPALATAYA, BAGAMAT NAGKAISA ANG PANANAW NA TIYAK NA MAYROONG DIYOS. HINDI SILA PAREHA NG SEKTA SA BIBLIYANG SINASANG-AYUNAN NA KUNG SAAN ANG PINAGMULAN NG MGA KANI-KANILANG PANINIWALA NG DIYOS. 

NAKAKALITO KUNG BAKIT NAGKAGANITO ITO. KUNG TINGNAN MO SA LANSANGAN, SA PLASA NG MGA BAYAN, PAKINGGAN MO SA RADYO, TINGNAN MO SA TELEBISYON AT SA MGA NAGKAIBA-IBANG URI NG MGA BABASAHIN GAYA NG MGA DIYARYO, MAKIKITA MONG KANYA-KANYA SILA NG STYLE AT IBA-IBANG PALIWANAG TUNGKOL SA PANGINOON. 

MALIBAN DITO MAYROON DING MGA GRUPO NA MAY TIWALA SA DIYOS SUBALIT HINDI NILA GINAMIT ANG BIBLIYA. 

ITO ANG MGA TAONG NAG-AARAL NG MGA LATIN NA SIYANG GINAMIT BILANG MGA ANTING-ANTING NA KUNG TAWAGIN AY MGA “PANATIKO" 

KUNG ATING TUNGHAYAN, ANG RELIHIYON AY NAHATI SA DALAWANG URI NG PANINIWALA, ANG ISA AY BASE SA BIBLIYA AT ANG ISA AY BINABASE SA AKLAT NG KALIKASAN, NA DITO KINUKUHA ANG MGA SALITANG LATIN NA GNAMIT SA KANILANG MGA PAMAMARAAN NG PAGDARASAL. ITO ANG MGA KARUNUNGAN NG DIYOS NA NAKILALA SA TAWAG NA ECCLESIASTICAL AT ESOTERIC. 

1. ECCLESIASTICAL – ito ang karunungan ng Diyos na kung tawagin ay HAYAG dahil ito ay nakasulat sa mga aklat lalung-lalo na sa Bibliya. Dito nagmula ang sekta na ginamit ng mga mananampalataya upang mabuo ang mga kanilang grupo sa paniniwala sa Panginoon. 

2. ESOTERIC – ito ang karunungan ng Diyos na TAGO, dahil hindi ito matutunghayan sa Bibliya, subalit ang mga mag-aaral dito ang gumamit ng salitang aklat ng kalikasan na siyang pinagkunan ng kanilang mga kaalaman, at ang mga taong ito ay tinaguriang mga KULTO. 

Ang dalawang karunungang ito ay hindi nagkakaintindihan. Ang mga taong humahawak ng karunungang iyo ay nagsisiraan at nagpapayabangan; sabi ng nasa Sekta; kayong nag-aaral ng LATIN at naniniwala sa ANTING-ANTING ay mapupunta sa impyerno dahlia ang karunungang yan ay galing sa demonyo. At ang mga tao naman na nasa KULTO ay nagsasabi ng ganito; kayong nagbabasa sa Bibliya ay walang puwang sa harapan ng Panginoon dahlia kulang ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos ang pinakikinggan lang na salita ng Diyos ay ang LATIN dahil ito ang opisyal na salita ng Diyos. 

Kung ating saliksiking mabuti, may dahilan ang Diyos kung bakit mayroong TAGO at HAYAG na karunungan. Ang HAYAG ay gabay upang marating ang tugatog ng iyong inaasahang kaligtasan, at ang TAGO naman ay siyang kapangyarihan na magliligtas sa oras ng mga kapahamakan at kagipitan. Madaling sabi, dapat ay magkasama itong dalawa. Kung absent ang isa nito wala ni ang maliligtas. Katunayan, lahat ng taong nautusan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya ay mayroong dalawang karunungang pinaniniwalaan pati na ang Panginoong Jesucristo. 

Ang Bibliya ay makapagpapatunay tungkol sa DALAWANG KARUNUNGANg ito. Gaya sa sulat ni Mateo sa talata 28 kapitulo 19, ganito ang sinasabi ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad; “HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA, BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITO SANTO” Sa puntong ito, may tinutukoy si Cristo na pangalan ng Ama, Anak at ng Espirito Santo, subalit hindi ito binanggit sa Bibliya, ano kaya ang ibig sabihin sa mga pangalang tinutukoy ng Panginoong Jesus. Isa ang dahilan kung bakit hindi isinulat, ito ay TAGO na karunungan ng Diyos. Kaya sa mga taong nag-aaral sa karunungang TAGO ay siyang nakakaalam nito. Ito’y tawagin nila ay ARAM (pangalan ng Ama), ACDAM ( pangalan ng Anak), at ACSADAM (pangalan ng Espirito Santo). 

Bawat bansa ay may sariling wika, subalit ang tao ay minsan lang nagkakapareha ng salita. Ito’y sa sandaling isilang. Lahat ng sanggol ay iisa ang alam na salita, ito ang salitang O-H-A. Sa mga nag-aaral ng HAYAG NA KARUNUNGAN ito ay hindi binigyang pansin, subalit sa TAGONG Karunungan ito ay mayroong matayog na kahulugan. Sa sulat ni MATEO 11:25 sa Bibliya ay ganito ang sinasabi, “NANG PANAHONG IYO’Y SINABI NI JESUS, PINASASALAMATAN KITA AMA, PANGINOON NG LANGIT AT LUPA, SAPAGKAT INILIHIM MO ANG MGA BAGAY NA ITO SA MARURUNONG AT MATATALINO AT INIHAYAG SA MAY KALOOBAN TULAD NG BATA” At sa MATEO 21:16 ganito ang sinabi ni Jesus, “MULA SA BIBIG NG MGA SANGGOL AT ANG PASUSUHIN AY PANAPAMUTAWI MO ANG WAGAS NA PAPURI” ang kahulugan sa salitang O-H-A ay ganito ORTAC HIPTAC AMINATAC na isa lamang sa napakaraming pangalan ng Ama, Anak at Espirito Santo. 

Dagdag pa nito, ang ADRA MADRA ADRADAM ay ginamit ng mga kultong grupo bilang panawag sa AMA, ANAK AT ESPIRITO SANTO. Sa panahon ni Moises naisulat sa EXODO 3:14-15 sinabi ng Diyos, “AKO’Y SI AKO NGA. SABIHIN MONG SINUGO KA NI AKO NGA, NG DIYOS NG INYONG MGA NINUNO, NG DIYOS NINA ABRAHAM, ISAAC AT JACOB. AT ITO ANG PANGALANG ITATAWAG NILA SA AKIN MAGPAKAILANMAN”. Sa tagong karunungan, ito ang pangalang ibig sabihin ng Diyos “AHIH ASHIR AHIH”.

May isang aklat na kung tawagin ay “Aklat ng Kalikasan” kung bakit ganito ang tawad dahil ito’y ibinigay sa “DI PANGKARANIWANG” kapangyarihan. Sang-ayon pa, ito ay gaya ng pagkabigay sa Sampung utos ni Moises. Ang aklat na ito ay pinagmulan ng kaalaman na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan bilang TAGO NA KARUNUNGAN ng Diyos. Dito sa aklat na ito ay naitala ang 1001 na pangalan ng Diyos na pinaniwalaan hindi lamang sa Kristiyano subalit pati sa ibang sistema ng paniniwala ng Diyos gaya ng Hapon, Muslim, Intsik, at iba pa. Sa ating mga Kristiyano ang pangalang JEHOVAH, ay pinaniniwalaan at sinasamba. Sa aklat naman ng kalikasan ay ganito ang sinasabi, “NOONG GINAWA ANG MUNDO AY JEHOVAH ANG PANGALAN NG DIYOS” at ang salitang JEHOVAH ay nagmumula sa mga salitang JOD HE VAU HE na kung saan ay nagmumula sa apat na buntala na tamatangan sa mundo. Nang ginawa ang ataw ay HICAAC ang pangalan ng Diyos, HICAOC naman nang lalangin ang buwan at HIMBODOA naman anang ginawa ang mga bituin. Kung sabihin mong ang Diyos ay nasa Kataas-taasan, ang pangalan nito ay EL ELYON. Alam natin na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, ang kanyang pangalan ay EL SHADDAI, ang Diyos ay walanag hanngang EL OLAM ang Kanyang pangalan. Noong ginawa ng Diyos ang tao ay ELOHIM ang Kanyang pangalang ginamit, nang ginawa ang apoy ay YAWESERE ang Kanyang pangalan, ADONAI naman nang ginawa ang tubig. Ito ay iilan lamang sa Kanyang makapangyarihan at nakatagong pangalaan na magpapatunay na sa bawat ginawa ng Panginoon ay iba-iba ang Kanyang pangalan. 

Sa lahat ng dako na sangkatauhan maging sa Asiya, Aprika, Amerika, Russia, China, Europa at kahit sa Pilipinas man ang bawat hugis ng hayop ay iisa kanilang salita. Sa tilaok ng manok ay maririnig natin ang CO CO CO OC, sa tahol ng aso ay CAO, sa ibon ay OAC sa palaka ay OC AC, sa pusa ay NGIAO at MAO, sa kambing ay ME, sa tupa ay VE, sa kalabaw ay ONGA, sa baka ay MA at sa mga isda sa tubig ay AC CAC EC OC COC. Ang mga iyan ay pawing mga salita ng mga hayop at mga isda sa tubig. Sang-ayon sa tagong karunungan, ang salita ng mga hayop at isda ay mayroong malawak na kahulugan na siyang pangalan ng Diyos sa mga kani-kanilang kaalaman. 

Basahin natin ngayon ang salita ng manok, ating maririnig ang mga salitang CO CO CO OC sa kanyang pagtilaok ang tatlong CO CO CO ay isa sa maraming pangalan na nag-iisang Diyos na lumalang sa lahat ng bagay at nagtatangan ng kapangyarihang buo. Ang OC ay ang hanging Espirito ng Diyos na nagdadala sa Kanya sa lahat ng dako. Ang titik na O ay ORTAC at ang C ay CRISTAC. 

Tunghayan naman natin ang salita ng aso. Sa tahol ng aso ay ating maririnig ang salitang CAO. Ang aso ay tumatahol lalong-lalo na kung ito ay mayroong napansin na di pangkaraniwan para sa kanya, sabi pa ng mga matatanda, ang aso ay tatahol kung ito ay makakita ng mga masamang espirito, nasa kanyang pagtatahol ay lalabas sa kanyang bibig ang salitan CAO na sang-ayon sa tahong karunungan ito ay isa sa Tagong Pangalan ng Diyos. Ang basag sa salitang CAO ay ito: CRISTAC AMINATAC ORTAC. Ganoon din ang huning OAC ng ibong uwak, ay katulad din sa tahol ng aso ang kahulugan. Sabi pa ng aklat ng kalikasan ang salita ng uwak ay pangalang naihayag ng lubusan. Sang-ayon pa ito ay isang pangalan ng Arkanghel na lumalabas ang pangalan sa mata ng Diyos.


Magugunita na sa nakaraang labas nito ay naglalarawan ng mga salita ng hayop na kung saan ay natutunghayan natin ang iilang mga tago na pangalan ng Diyos. Ganoon pa man ating ipagpatuloy ang pagsaliksik sa mga iba ring hayop na sumasambit ditto ng mga pangalang tago. 

Ang palaka ay ganito ang kanilang salita. May OC at mayroon din namang AC. Ang OC ay gaya ng naipaliwanag sa tilaok ng manok. Ang AC naman ay pangalan ng Diyos noong nag-iisa pa lamang Siya. Ibig sabihin noong wala pa ang mundo at ang iba-ibang planeta na sasa kalawakan. Ang dalawang titik ng AC ay ito AMINATAC CRISTAC. Ang pangalang ito ay nagmumula sa isang malawak at matayog na kahulugan dahil sang-ayon pa ang Diyos ay isang espirito at matayog na kahulugan. Isang espirito na walang simula at walang katapusan na sa ibang paliwanag ay sulong kaluluwa o espirito. Ngayon ay tuntunin natin ang dalawang salita ng pusa. Kapag nagalit ang pusa ay lalabas sa kanyang bibig ang salitan MAO. Sabi ng kasaysayan ito daw ay pangalan ng isang matapang na espirito buhat sa Diyos at ito ang basag ng MAO MEOROAM AMINATAC ORTAC. Ang NGIAO naman ay isang salita na laging nasa bukang bibig ng pusa.. Ito ay isang kabanal-banalang pangalan ng kataas-taasang Diyos. Ang dalawang titik na NG ay NI-GAUM o NAB-GEM at IAO naman ay pangalan ng Diyos na naibigay kay Moises noong ito ay nabubuhay pa sa lupa. Ang IAO ay ang ISCHIROS ATHANATOS OTHEOS na isa sa nakatagong pangalan ng tatlong persona. 

Ang salitang ME ng kambing ay isang pangalan din ng Diyos na ang kahulugan ay MAIGSAC EIGMAC. Ang MA naman ay salitang lagging bukang bibig ng baka, ang basag nito ay MACMAMITAM AMICAMEAMITAM. Ang sabi lagi ng tupa ay VE, ibig sabihin ay VOLHUM EGOLHUM na isa sa pinakatagong pangalan din ng Diyos. Gaya ni Adan noong kapanahunan ay nakakausap niya ang mga hayupan, mga halaman at punong kahoy, at ang karunungang yaon ay nagmumula sa tagong kaalaman. Sang-ayon sa tagong kasaysayan, si Adan ay nagkaroon ng kapangyarihan buhat sa mga tago na pangalan ng Diyos na ibinigay sa kanya noong doon pa sila ni Eba sa paraiso. Ito ang sinabing tatlong pangalan ng Diyos JOVE, YAHWEH at YESERAYE. Sa pamamagitan ng mga pangalang ito magaganap ang lahat niyang nanaisin gaya ng pakikipag-usap sa mga hayupan, halaman, punong kahoy at pati na rin sa mga may buhay sa ilalim ng tubig at mga ibong nagsisiliparan sa himpapawid. Yon ang mga ilan sa mga pangalang binibigkas ng mga iba’t-ibang uri ng hayop, isda at ibon na kung saan ay hindi binigyang pansin ng mga tao sa buong akala na ang mga iyan ay walang kabuluhan, subalit ang kasaysayan ng tago na karunungan ay nagpapahiwatig na ang lahat na may buhay sa balat ng lupa ay kumikilala sa kanyang tagapag-lalang na walang iba kungdi ang Poong Maykapal. 

Ngayon ating tunghayan at saliksikin ang panimula ng HAYAG at TAGO NA KARUNUNGAN NG DIYOS. Paano at saan ba nagsimula ang HAYAG at TAGO? Kung bubuklatin natin ang mga ito, ating maaaninang na magkaiba ang kianilang mga pasimula. Ang HAYAG ay nagsimula sa paglalang ng Diyos sa mundo. At ang TAGO naman ay nagsimula nang wala pa ang lahat ng bagay, ang ibig sabihin ay wala pa kahit isa man lang sa nilikha ng Diyos…… 

Sa unang labas ng seryeng ito naipaliwanag na ang Diyos ay mayroong dalawang uri ng karunungan. Ito ay ang Tago at Hayag na sa kasalukuyang ay ginamit na ng mga tao subalit hindi ito naintindihan ng maigi. Ngayon, ating tutunghayan at sasaliksihin ang simulain ng dalawang karunungan ito. Paano at saan ba nagsimula ang Hayag at Tago? Kung bubusisiin natin ang mga ito, ating maaaninag na magkakaiba ang bawat pinagmulan. Ang Hayag ay nagsimula ng likhain ng Diyos ang tao sa mundo habang ang Tago ay nagsimula sa wala pa ang lahat ng bagay. Ang ibig sabihin, ay wala kahit isa man lang sa mga linikha ng Diyos. 

Sa Aklat ng Genesis sa Biblia, ganito ang panimula, Gen. 1:1, 2 at 3 "NANG SIMULA LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO, DILIM ANG BUMABALOT SA KALILIMAN AT UMIIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG", SINABI NG DIYOS: "MAGKAROON NG LIWANAG AT NAGKAROON NGA." Sa puntong ito mayroong bagay na hindi maipaliwanag, bakit? Kasi maliwanag na sinabi na sa pasimulang likhain pa lamang ng Diyos ang lupa at hangin ay mayroon ng lupa subalit ito'y wala pang hugis at ang hangin ay umiihip na sa ibabaw ng tubig. Sa madaling salita, sa hayag na karunungan (bibliya) hindi maipaliwanag ng lubusan ang tawag na simula nang ang mundo ay likhain ng Diyos. Paano nilikha ang lupa, hangin at tubig? Ang mga ito ay hindi na binanggit sa Biblia. Subalit sa Tagong karunungan ay ganito ang sinabi: "Bago likhain ng Diyos ang bagay partikular na sa ating daigdig, ay inihanda muna Niya ang Apat na Elemento na siyang magiging sangkap sa sanlibutan. Ito ay ang HANGIN, TUBIG at LUPA. May sinabi ang Diyos na ganito: "ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TEASET BUITARAP ACME MIMJARUL LEGARA HAMUSA VINESA MATUMI EROP BUNSIRAP." Nang ito'y masabi lumitaw ang lupa, lumalagablab ang init ng Apoy, umihip ang simoy ng Hangin at umoudyap-udyap ang paggalaw na parang maliliit na alon ng tubig. 
At muling nagsalita ang Diyos. "CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM," ibig sabihin ay simulan ko nang gawin ang langit at ang sanlibutan at nagsalita pa muli ang Diyos ng ganito: "MANAOT LUMBRATE ACTIVE DENS MEAVITA DEUS SANCTE MEUS", nang matapos itong sabihin nagkabuklod-buklod ang lupa, tubig, apoy at hangin. Muling nagsalita ang Diyos ang ganito: "MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM, at ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaibang-ibang lasa. 
Sang-ayon sa Biblia, sa aklat ng mga awit 90:2 ganito ang sabi: "WALA PA ANG MGA BUNDOK, HINDI MO PA NILALANG, HINDI MO PA NILILIKHA ITONG BUONG DAIGDIGAN, IKAW NOON AY DIYOS NA, PAGKAT IKAW AY WALANG HANGGANG," madaling sabi, ang Diyos ay walang simula at walang katapusan, kaya siya ay tinawag sa mga kultong grupo na INFINITO DEUS. 
Kung ganyan ang kalagayan ng Diyos, mayroong tanong na ganito: Noong wala pa ang mundo saan nakatira at ano ang kalagayan ng Diyos? Kung ang Biblia ang pananagutin natin, walang malinaw na sagot na mababasa mo, subalit sa Tago na karunungan ay mayroon, at ito ang nakasulat sa Aklat ng Kalikasan. Noong wala pa ang mundo ang Diyos ay naririyan na, at Siya ay nakatira sa kanyang kaharian na siya rin ang kanyang kapangyarihan na kung tawagin sa Tagong karunungan ay "CIELO DE CHRISTILLENO" na ang ibig sabihin ay "langit sa mga langit." 
Bagamat wala pa ang lahat maliban sa Diyos na nag-iisa, ang sinasabing langit sa mga langit kagaya ng kalawakan na hindi malalaman ang pinagmulan at ang hangganan nito. Ang sinasabing kalawakan ay isang puwang na lugar na walang nilalaman, subalit ito'y napupuno at nababalot ng isang liwanag na walang simula at wala ding hangganan, sang-ayon sa Aklat ng Kalikasan ay ganito: AAZZAAXXXAACZA ZAAX ZAAZ ZAXAZ JIY OAFI JAAIYEI", ang ibig sabihin ay ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang abutin ni nino man na nilalang sa lupa kahit sa isip lamang.

Sa nakaraang labas ay tinutukoy ang kalagayan at tirahan ng Diyos noong wala pa ang mundo at ang lahat na mga bagay, kasaysayang naglathala sa pamamagitan ng kwentong balot sa mga mesteryong hindi naitala sa Biblia. Bagamat ibinulgar dito ang mga pinakatago na mga bagay, seguro dahil para sa isang katuparang nakasaad sa hayag na karunungan nakasulat sa biblia na sang-ayon pa ay ganito ang sinabi ng ating Panginoon Jesucristo sa Lucas 12:2 at 3; "WALANG NATAGO NA DI MALANTAD, AT WALANG NALILIHIM NA DI MABUBUNYAG ANUMANG SABIHIN NINYO SA DILIM AY MARIRINIG SA LIWANAG AT ANUMANG IBULONG NINYO SA MGA SILID AY IPAGSIGAWAN" kaya ito na ang tukmang panahon upang ang mga bagay na sadyang itinatago sa sobrang tagal at pinaghirapang maipreserba ang mga ito sa hindi mabibilang na mga panahon ay ibubunyag nang makamtan ang mga matiwasay na pananampalataya sa tunay na Panginoon mula sa tunay din na mga tauhan Nito. 

Ang liwanag na walang simula at walang hanggan na tinutukoy noong nakaraang labas ay siyang kalagayan ng Diyos at Siya na rin ang Diyos. Sang-ayon pa sa tagong pangalan, ang Diyos ay mayroong mil uno (1,001) na mga pangalang nailantad na sa tao. Ang pinakauna Niyang pangalan "AINSOPH" ito ay nangangahulugang; "BUGTONG LIWANAG NA NAROON SA KATAAS-TAASANG BAHAGI NG WALANG KATAPUSAN AT WALANG HANGGAN." Kaya sabi ng tagong karunungan ay mapalad ang sino mang nakaalam sa pangalang yaan dahil hindi siya maghirap sa kabilang buhay. 
Nag-iisa palang ang Diyos noong panahon iyon, at dahil sa pag-iisa nadarama ng Diyos ang masidhing pangungulila, kahungkagan at sobrang kalungkutan, kaya Siya'y napabuntong hininga ng malalim kasabay ang salitang "JUAAHAHUJAI," (ito rin ang winika ng Diyos ng bigyan Niya ng hininga si Adan) at doon nagsimula ang kanyang pag-iisip na gumawa ng mga bagay tulad ng araw, buwan mga bituin, mundo at mga tao, etc., upang ang mga ito ay kanyang paglilibangan. Subalit bago pa man ang lahat, ang Diyos ay gumagawa ng 72 na mga banal na espirito (sa tagong karunungan ay tinatawag na 72 dibosyon ng mga esperito) upang ang mga ito ay magiging kaantabay sa mga paggawa sa mga bagay ng naiisip Niyang gagawin. 
Sa pagsimula ng Diyos ng kanyang mga gawain, ang tinutukoy na liwanag na walang simula at walang hanggan ay kanyang pinaliit, dahan-dahan itong lumiit hanggang ito'y naging bilog, na sang-ayon pa, parang sumbalilo ito kung tingnan mo sa malayo. At sa ilang sandali lamang, may pumunit sa dalawang hugis at sa unti-unti itong nagiging mga mata na nagliliyab sa isang pambihirang magkakaibang uri ng liwanag. Sumulpot at nagkaroon ng dalawang butas sa bandang baba na siyang maging ilog nito. Tumubo ang dalawang bahagi sa magkabilang tagiliran at nagkaroon din ng mga butas ang mga ito upang maging tainga nito. Gumuhit sa bandang ibaba kunti sa ilog at ito'y naging bibig, at sa ganoong pagkakataon, ang bilog ng gaya ng bolang liwanag ay dahan-dahang dumaloy tulad ng tulo ng kandila na tumulo paibaba at siyang sanhi na magkaroon ng leeg, katawan, dalawang kamay at dalawang paa. Dito ang bolang liwanag ay nagiging porma at hitsura ng tao. 
Sa pagkakataong ito, ang liwanag ay tao na kung iyong tingnan at Siya'y pinangalanang ANIMA SOLA sa ating salita ay "Nag-iisang espirito o nag-iisang kaluluwa", at ito ang pangalawang pangalan ng Diyos na nalantad sa tao. Sang-ayon sa tagong karunungan, dito nagsimula ang pagiging tao ang hitsura ng Diyos. 
Sa ilang sandali pa'y matapos ang mga ganoong mga pangyayari, ang Diyos ay nag-iisip sa mga bagay na dapat gampanan upang marating ang kanyang mga planong gagawin, may biglang umusbong sa kanyang noo ang limang talulut ng bulaklak na sa bawat dulo nito ay mayroong titik na sang-ayon pa sa kasaysayang tago ay ganito: M.A.R.I.A. ang limang litrang ito ay mayroong matayog na kahulugan sa mga esperito.

Ang salitang M.A.R.I.A. ay nagkaroon ng kahulugan na makasaysayan at ito ay nagbubuo sa hiwagang kapangyarihang hindi pa natuklasan ang kahulugan ninuman sa mundo dahil sa mga materyal na bagay na siyang bumabara at pumipigil sa isipan ng bawat nilalang. Dito matutuklasan ang lawak sa salitang yoon at sa pamamagitan ng kanyang buod na kapangyarihan ay maaangkin ang isang pambihirang tuklas na dapat tuntunin at ikabahala sa buong sangkaatauhan sa daigdig na nababalut ng ga kababalaghang hindi maipaliwanag ng lubusan – sapul pang nagsimula ng nagkatao ang sansinukob. 

Ang limang titik na ito ay siyang bumubuo ng kapangyarihan ng Diyos, na sang-ayon pa noong wala pa ang mundo, hindi ito binanggit o tinawag ng Diyos, ang pangalang MARIA subalit ito'y tinatawag lamang na GUMAMELA CELIS o bulaklak. Ang GUMAMELA CELIS ay tinatagurian ng Diyos na, “ROSA MUNDI ET ROSA CEILO” na ang ibig sabihin ay, “bulaklak ng mundo at sa langit”. Ang MARIA ay MERIAM sa salitang Seria na sa ating lenguahe ay “PINAKAMATAAS”. Sa mga kultong grupo, ang MARIA ay sinasamba nila ito, pinaniwalaang makapangyarihang salita, dahil alam nila na ang salitang ito ay naitala sa pinakamataas na antas ng Karunungan ng Diyos. Ang bansag ng salitang M A R I A ay ganito: “M-MARIS, A-AMANTISIMO, R-REXSUM, I-IMPERATOR at A-ALTISIMA.” 

Ang wikang MARIA ay salitang pinakamatamis ng mga espiritu, ito'y sinasamba at kinagigiliwan ng mga ito, dahil alam nila na ito ay ang kabuoan ng kapangyarihan ng Infinito Diyos at kailanman ay walang kapantay. Kaya ang sabi ng Diyos patungkol sa salitang ito ay ganito: “MAGNIFICAT ANIMA MEA DOMINUM AD DOMINUM CONTRABULARER RETRIBUE CERVOTOU TOU VIVEFECAME IN DEO SPERAVIT COR MEUM AT EDJUTSUS SUNTADTE DOMINE LAVAME ANIMA MEAM.” 

Ang unang ginawa ng Diyos ay ang pag-atubili sa paglikha ng mga elemento upang ang mga ito ay gagawing Daigdig, Langit at iba't-ibang bagay upang mabubuo ang tinatawag na universo. Nang lumaon nagawa, lumikha ang Diyos ng Ancianos upang magiging kaantabay sa kanyang mga planong gagawin, at inumpisahan ng Diyos ang paglikha nito. Matapos ang ilang sandali, nagsalita ang Diyos ng: “AGAHAC JIRIUM JIURJITNUM JIURJITSUM JACJAHAHAC ROGOTAC YOPALUM MEDERAT INEHATISET CORPUS SIOMBENET” at pagkatapos nito, biglang may mga butil ng pawis na lumitaw sa bandang kanang ng Kanyang noo at ito'y Kanyang hinaplos ng kanang hinlalatong daliri, at ang mga butil ng pawis ay nagiging labing-anim na mga espiritu na kung saan ay kahalintulad ng Diyos ang hitsura ng mga ito. Nag-isip muli ang Infinito Diyos, at sa ilang sandali pa'y nagsalita uli ng ganito: “LUCJINUM”, at nang ito'y binigkas, may biglang mga butil ng pawis na naman na lumitaw sa bandang kaliwang noo ng Diyos, at nang ito'y haplusin ng Kanyang kaliwang hinlalatong daliri, ang mga butil ng pawis na ito ay nagiging walong espirito na gaya din ng Kanyang kaanyuhan, at sa mga mahiwagang pangyayari, ang 24 Ancianos ay nabubuo. 

Ang 24 na mga espiritong ito ay siyang mga katulong ng Diyos sa lahat ng Kanyang paglikha sa buong universo gaya ng paglikha ng tao. Ganito ang nakasulat sa Biblia: Genesis 1:26, sinabi ng Diyos: “NGAYON, LALANGIN NATIN ANG TAO ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN”. Sa madaling salita, hindi nag-iisa ang Diyos kung bakit at sino ang mga kasama ng Diyos nang likhain ng mga ito ang tao, kaya sa unang bahagi pa lamang sa biblia nagsimula na ang hindi pagkakaunawaan sa mga sektang grupo ganoon din sa mga ilang kultong mananampalataya dahil ang mga bagay na ito ay lingid sa kanilang mga kaalaman subalit, hindi nangangahulugan na marami ang Diyos, ang 24 espiritu ay bilang mga katulong lamang ng Panginoon sa kanyang paglikha. 

Sa mga matatanda at sa sinaunang mga tao, na sumunod sa mga ukultismong karunungan, ang pangalan ng mga hinlalato na daliri ng Diyos na siyang ginamit sa paghaplos ng mga butil ng pawis na siyang nagiging 24 espiritu ay may matayog at pambihirang kapangyarihan, na ayon pa sa nakaugalian, kung ito'y iyong malaman kailanman ay hindi ka dadanas ng paghihirap sa kabilang buhay, kung kaya ang pangalang yoon ay itinatago sapul ng ito'y ipinahintulot ng Diyos na marating sa kaalaman ng tao, subalit sa panahong ito, ay dapat ng mabulgar ng sa ganoon, makamit at malalaman ang katotohanan sa buong sangkatauhan. Ang pangalan ng kanang hinlalatong daliri ay: “MEPHENAI at sa kaliwang hinlalatong daliri naman ay “JPHATON.” Mapalad ang sino mang mag-iingat dahil kilalanin siya ng Panginoon sa panahong darating. Ganyan ang nakasaad sa Tagong Kasaysayan. 

Ang 24 Ancianos ay binigyan ng Diyos ng mga tungkulin, subalit ang iba nito ay siya ang binigyang karapatan na gumawa ng desenyo ng gagawing buwan, kung baga mga arketekto ang papel nila. Ang Pangatlo hanggang pang Walo ay hindi tumanggap ng tungkulin, ang ginawa ng mga ito ay naglagalag lamang sa loob at labas ng mundo. Ang pang Siyam hanggang sa pang Labing-lima sila ay ang nagiging Siete Arkanghelis na kinakatiguriang mga mandirigmang espirito sa Diyos at ang pang Labing-anim ay si Lucifer nasa bandang huli ay nagiging kalaban ng Diyos at sa lahat na banal na espiritu ganoon ding kinatatakutan ng mga tao sa lupa. 

Ang pang Labing-pito hanggang sa dalawampu't isa ay hindi rin tumanggap ng tungkulin at sang-ayon pa sa kasaysayan, noong si Panginoon Jesus ay nakabayubay sa krus ang limang ito ay lumapit upang magpabinyag sana, subalit naabutang nalagutan ng hininga ang Panginoon sa mga oras na yoon at hindi natuloy ang mga balak nito. Ang huling tatlong ay sila ang ginawa ng Diyos bilang kabuohan ng Santisima Trinidad: Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang ama na tinutukoy dito ay hindi ibig sabihin Diyos Ama o Infinito Diyos, ang Ama na ito ay kinatawan lamang sa pinaka-Ama sa lahat. Bilang Ama, naatasan Siyang gumawa ng desenyo sa gagawing daigdig ng tao, ito ngayon ang ating ginagalawang mundo. Ang Anak naman siyang binigyan ng karapatang magbigay daan sa mga tao upang sa ganoon hindi ito makalimot sa Diyos at maging katuturan nang sa ganoon nagkaroon ng kaligtasan sino man ang sumusunod sa Kanya. Ang Espiritu Santo naman ang siyang namamahala sa lahat ng mga anghel na tagapagtanod sa lahat ng tao sa lupa, at siya rin ang sumusubaybay sa lahat ng gumawa ng mabuti sa lahat ng mga nilalang kawangis ng Panginoon.

Sa Biblia ang salitang Santisima Trinidad ay hindi nakasulat, subalit sa Mateo 28:19, ito ang sabi: “BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO”. Sa talatang ito ay inutos ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad na bautismuhan ang mga tao sa pangalan ng Santisima Trinidad subalit hindi naisulat sa biblia kung ano ang mga pangalan na tinutukoy ng Panginoon. Sa tagong karunungan ay marami ang pangalan ng tatlong persona, gaya ng: ARAM – pangalan ng Ama, AKDAM – sa Anak at AKSADAM – sa Espiritu santo. ADRA – sa Ama, MADRA – sa Anak at ADRADAM – Sa Espiritu Santo. Sa mga sektang grupo mayroon silang binabanggit na salita lagi bilang pasasalamat ng Panginoon at ito ay ang “ALELUYA,” ang salitang ito ay isa lamang sa napakaraming pangalan ng Santisima Trinidad ito ay hango sa salitang AL EL UYA ibig sabihin ay pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Kaya dito nagsimula ang dibatihan ng mga sektang grupo, lumalabas ang kanya-kanyang panindigan subalit hanggang sa mga oras na ito nananatiling wala pa ring tamang kasagutan ang hindi nila pagkaunawaan. May mga sektang grupo na pinapaniwalaan ang Santisima Trinidad subalit karamihan ay hindi, at sa mga naniniwala nito, ang Santisima Trinidad ay iisang Diyos sa tatlong persona. Kung ating siyasatin naman hindi aabot sa tatlong persona kundi iisa lamang ang anak na walang iba maliban ni Panginoon Jesucristo. Sa Biblia ay walang binanggit na mayroong persona ang Diyos Ama at Diyos Espiritu, maliban sa Diyos Anak na sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo ay nagkaroon ito, kaya kung ating tunghayan ang Santisima Trinidad ay nag-iisa lamang ang persona nito. Subalit sa mga kultong grupo ang tatanungin, sila'y naniniwala na ang mga ito ay mga diyos rin at hindi sa Santisima Trinidad lamang kundi sa buong kaantabay ng Diyos ay mga diyos rin. Ganito ang sabi sa biblia, Awit 136:2: “PINAKADAKILANG DIYOS NG MGA “diyos” AY PASALAMATAN,, ANG PAG-IBIG NIYA AY MANANATILI AT PANGWALANG-HANGGAN”. Makikita natin na may diyos dito na maliit, ang pagkasulat, ang diyos na ito ay ang mga espiritung kaantabay ng Panginoon sa lahat niyang mga gawain kasama na rito ang Santisima Trinidad, pati na rin ang mga taong inuutusan ng Diyos dito sa lupa na kung saan ay kinikilala rin bilang panginoon sa lahat niyang mga taong nasasakupan, gaya ni Moises, Haring David, Haring Solomon at mga iba pa. Sa Pahayag 17:14, may sinasabi na ganito: “DIRIGMAIN NILA ANG KORDERO NGUNIT SILA'Y TATALUNIN NITO, SAPAGKAT SIYA ANG PANGINOON NG MGA “panginoon” AT HARI NG MGA “hari” MAKIKIHATI SA KANYANG TAGUMPAY ANG MGA TINAWAG HINIRANG AT TAPAT NIYANG TAGASUNOD”. Ganoon din sa Juan 10:34 at 35. Ganito ang sinabi ni Panginoon Jesucristo: “TUMUGON, SI JESUS, HINDI BA NASUSULAT SA INYONG KAUTUSAN, SINABI KO, MGA “diyos” KAYO? MGA “diyos” ANG TAWAG NG KAUTUSAN SA MGA PINAGKATIWALAAN NG SALITA NG DIYOS, AT HINDI MAAARING TANGGIHAN ANG SINASABI NG KASULATAN.” 

Kaya karamihan sa mga kultong grupo ay naniniwala na tutuong nag-iisa lamang ang “Diyos” subalit marami ang mga diyos o diyoses gaya ng kani-kanilang mga pinuno bilang utos ng Diyos dito sa lupa. Sa parting ito, dito nagsimula ang mga kultong grupo sa paniwalang ang kanilang pinuno ay diyos din at hindi mo rin sila masisisi. 

Dagdag pa nito ay nakasulat din sa Pahayag 1:5, ganito ang sabi, “AT MULA KAY JESUCRISTO, ANG TAPAT NA SAKSI, ANG UNANG NABUHAY SA MGA PATAY AT HARI NG MGA “hari” SA LUPA.” Maliwanag na hindi nag-iisa ang Panginoon ganoon din ang Hari, subalit iisa lang ang pinaka-Panginoon at iisa rin ang pinaka-Hari. Si Jesucristo ay nakatakdang maghahari at maging Hari sa mga hari at Panginoon ng mga panginoon dito sa lupa subalit, ang sinasabing Diyos ng mga diyos ay walang iba kundi ang mahal na Amang Infinito Diyos, Diyos na walang simula at walang hanggan. 

Nang mabuo na ang 24 Ancianos, ito'y binigyan ng kanya-kanyang pangalan na kung halungkatin ang tagong kasaysayan ang mga ito'y nagtatangan sa mahiwagang kapangyarihan na sang-ayon pa, sino man ang makaalam nito dito sa lupa ay mapalad doon sa daigdig ng mga espirito. Ito ay kanilang mga pangalan: UPHMADAC, ABONATAC, ELIM, BORIM, MORIM, BICAIRIM, PERSALUTIM, MITIM, AMALEY, ALPACOR, AMACOR, ALPALCO, ALCO, ARAGO, AZARAGOE, LUXBEL, ISTAC, INATAC, ISLALAO, TARTARAO, SARAPAO, MAGUGAB, MAIAGOB at MAGOB. Ang mga ito ay ang pinakaunang pangalan naihayag sa mga taong nag-aaral sa tago na kaalaman ng Diyos. Maliban dito marami pa, sa bawat paglalang na magaganap, ang 24 Ancianos ay magkaroon ng panibagong pangalan. 

Isa sa mga tungkulin ng 24 Ancianos ay ang pagbantay sa mga oras sa bawat araw, ang pinakauna ay siyang nagbabantay sa oras ng Ala una, at hanggang sunod-sunod ang mga ito hanggang matapos ang eksaktong 24 oras sang-ayon sa kani-kanilang numero. Sila rin ang tagamasid ng lahat na ginagawa o gawain ng mga tao sa lupa ito'y maging tama o magiging mali man, kaya ang mga kasalanan ng tao ay walang ligtas sa Panginoon dahil dito. 

Sa huling aklat ng Biblia, sa Pahayag, binabanggit ang 24 Ancianos, Pahayag 11:16 ganito ang sabi: "AT ANG DALAWAMPU'T APAT NA MATATANDANG NAKAUPO SA KANI-KANILANG LUKLUKAN SA HARAPAN NG DIYOS AY NAGPATIRAPA AT SUMASAMBA SA KANYA." Sa tagong kasaysayan naman ay ang 24 Ancianos ay laging nakapaligid ang mga ito sa Infinito Diyos. Maraming misteryo ang mga ito na hindi kayang abutin sa kaisipan ng makalupang aralin. 

Share and Enjoy:

5 comments for this post

  1. saan po makakahanap ng aklat ng tagong karunungan

  2. Sana makakuha ako ng aklat ng tagong karunungan .At maging member ng kung anumang grupong gumagamit nito.

  3. San po makukuha ang aklat n ito

  4. Sana magkaroon din ako ng aklat ng taong karunungan ng Diyos

Leave a reply

We will keep You Updated...
Sign up to receive breaking news
as well as receive other site updates!
Subscribe via RSS Feed subscribe to feeds
Sponsors
Popular Posts
ZALORA
Connect with Facebook
Sponsors
Statistics
Blog Archives
Recent Comments
Tag Cloud