Home » Archives for January 2014
Alamat ng Ampalaya
NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.
Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlang-maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga!
Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa.
ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangang magkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak.
Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito.
Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola.
"Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon-tipon ang lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga!
Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag ng dayuhang gulay.
Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya!
ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.
"Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng diwata ng Araw.
"Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng diwata ng Lupa.
"A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig.
"Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong gulay ay mapapasaiyo na," ugong ng diwata ng Hangin.
"Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya.
Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang mga lasa, kulay at ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya.
Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait.
MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya.
Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong pinggan, subukan n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.
Source:
http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-ampalaya/
Alamat ng Alagaw
Noong ikalabinlimang dantaon, humigit-kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangas tulad sa ngayon ay di pa lalawigang natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Nang panahong iyon ay kaylimit salakayin ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Hog Pansipit. Dahil dito'y nagsanib ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ng pangangasiwa ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan.
Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang Binatang Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kanyang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito: "Minamahal kong Marikit, sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating matanda ng Balangay ay di maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling iniatas ng ating balangay."
"Oo, lilisan kang baon mo ang aking pagmamahal."
Si Marahas ay nagpatuloy: "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aaruga ang isang halamang ituring mo ring ako - ang aking sarili. Kung ako ay masawi ito'y malalanta. Kayk siya'y diligin mo at pag-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas."
Naghiwalay sila.
Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galing kay Marahas. Patuloy rin nang pagmamalasakit si Marikit sa halamang iniwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalaala ng kanyang katapatan.
Isang araw, ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik sa digmaan ay nagbalita at nagpatotoong si Marahas, ay nasawi, nguni't nasawing taglayang karangalan sapagka't sila'y nagtagumpay naman. Umuwi si Marikit na ang puso'y halos naawalat sa kapighatian. Ang kanyang tanging aliw lamang sa sarili ay.ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan.
Gabi't araw ay dinilig niya ang halaman ng mga patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga, ang halaman ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masinsin, at namulaklak.
Si Marikit ay naging masasaktin. Subali't ang bawa't karamdama'ymaylunas. Kung siya'y dadalawinngsakitngulo, may lagnat, may sipon at nag-uubo, ang mga dahon ng halaman nito o ang mga bulaklak nito ay kanyang nilalaga. Matapos magpunas gamit ang pinagkuluang tubig, siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan, iinom ng tubig na pinaglagaan ng halaman. Natambad sa kaalaman ng madia ang lunas na idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangas kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw.
Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan... kinuha sa salitang "Alaga raw," alag aaraw-araw ni Makirit ang halaman.
Source:
http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-alagaw/
SANTI SIXTO
Ang gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Santiara. But he is not cut out for a simple life, his destiny is to be loved by someone so beautitul and so rich... someone na ang mga mata ay brilliantly green at ang buhok ay golden brown. Talagang nabaligtad ang mundo ni Santi Sixto nang makilala ang napakagandang dayuhan na si Marissa Carrera Johnson... ang American-Mexican na marunong mag-Tagalog dahil ang nakalakihang yaya ay isang purong Pilipina.
SOURCE:
NANG WALA PA ANG MUNDO
Inisip ng Dios na bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay magkaroon siya ng isang kasangguni na makakatulong. Sa kaniyang pag-iisip ay sumipot sa kanyang ulo ang limang TITIK na may sinag at nagni ningning sa anyo ng limang talulot ng isang mayuming bulaklak. Ang bulaklak na ito ang tinatawag na GUMAMELA CELIS na ang ibig sabihin ay BULAKLAK ng LANGIT, o bulaklak ng mundi ( ROSA MUNDI ) , at ang limang titik na nabanggit ay dili iba kundi ang matamis na pangalang M-A-R-I-A, na sa wikang Siria ay MIRIAM na ang kahulugan ay KATAASTAASAN. Nang hindi pa ginagamit ang pangalang MARIA, BULAKLAK lamang ang tawag ng Dios sa naging kauna-unahang bunga ng kaniyang pag-iisip. Ang unang inihanda ng Dios na pasimula ng kanyang paglikha ay ang IMPIERNO o AVERNI na nasa ibaba at dakong kailaliman. Ganito ang sabi niya sa BULAKLAK : ’’Ikaw muna ay aking iiwan, bantayan mo ang aking Kaban ng Tipan na huwag mong pangangahasang buksan, at kapag hindi mo sinunod ang aking bilin sa iyo ay mananaog ka sa aking gagawing lupa at magpapakasakit upang tipunin ang mga sumabog at nangawalang virtud“. Nang masabi ng Dios ang gayon, ay nanaog na siya sa kailaliman upang ihanda ang isang malungkot na tahanan ng kanyang mga piling Arkanghel na lilikhain na magsusuwail sa kaniya. Nang maka-alis na ang Dios ay binuksan ni Bulaklak ang nasabing Kaban ng Tipan sa hangad na makilala ang katotohanan at katuparan ng mga sinabi sa kanya. Ng mabuksan na ang kaban ay biglang lumabas ang tatlong letrang “B“ na may mga pakpak at nagsilipad. Ang tatlong titik na nabanggit ay ang BAM BAU BIM na tatlong salitang kung sabihin ay TRES VIRTUDES na lubhang mahimala at makababalaghan. Ng magkagayon ay biglang isinara ni Bulaklak ang kaban, subalit ang tatlong “B“ ay nakalabas na at hindi na niya nakita. Ng dumating ang Dios buhat sa kailaliman, ang sabi sa Bulaklak ay ganito : “Ngayon ay matutupad sa iyo ang aking sinabi na mananaog ka sa lupa at magpapakasakit“. Ginawa na nga Dios ang PLANO o ang ANYO ng kanyang mga lilikhain at gagawin: tubig, apoy, hangin, lupa, langit, mga kahoy at halaman, mga tao at mga hayop, araw, buan at bituin, ngunit una at higit sa lahat ay ang mga banal na Espirito na kakatulungin niya sa paglikha at paggawa. Ng mayari na ang nasabing PLANO, ay ipinakita ng Dios kay Bulaklak na kaniyang kasangguni at sinabi naman nito na tumpak at mabuti kung Espiritual, ngunit kailangang baguhin ang iba kung gagawing Material , sapagkat ang plano ng Dios, ang malalaking kahoy at ang maliliit at mabababa ay maliliit naman ang bunga.. Sinabi ni Bulaklak na kung ang mga kahoy na yaon ay ilalagay sa lupa ay kailangang ang lalong malalaki at matatayog ay siyang dapat bigyan ng maliliit na bunga, at ang maliliit at mabababang halaman at gumagapang sa lupa ay siyang dapat bigyan ng malalaking bunga, matataas ay malalaki ang bunga, sapagka’t sinabi ni Bulaklak na ang matatayog at malalaking kahoy ay sisilungan ng mga tao hayop kung nadadarang sa init ng araw, at kung ang malaking bunga ng kahoy ay mahinog at hindi makaya ng tangkay at malaglag at sa pagkakataong ito ay may taong nakasilong at mabagsakan ay maaaring mamatay o mapinsala ang tao, kaya’t ito ay dapat baguhin ang sabi ni Bulaklak. Ito ang kauna-unahang pagsira ng Dios sa kanyang mga nilikha, ang sabi sa Banal na Kasulatan.
Ginawa ng Dios ay binago. Ang malaki at matayog ng kahoy ay siyang pinapagbunga ng maliit, at ang maliliit na halaman ay siyang pinapagbunga ng malalaki, ayon sa payo ni Bulaklak. Ng nakahanda na ang lahat ay inisip ng Dios na likhain na ang kanyang mga kakatulungin. Ng siya’y nag-iisip ay bigla siyang pinawisan sa taguilirang kanan, at ng kanyang iwaksi ang labing anim na wisik ng pawis ay naging labing anim na Espiritu. Muli siyang pinawisan sa taguilirang kaliwa at walong butil na pawis naman ang sumipot at ng iwaksi ay naging walong Espiritu rin. Ganyan ang sabi sa kasay-sayan. Sa dalawampu’t apat na ito ay hinugot niya ang tatlo na magsisiganap at tutupad sa kanyang ginawang plano. Ito ang tinatawag na tatlong makapangyarihang EVELATOR EVETEMIT AVETILLO. Ito ang Tatlong Personas o Santisima Trinidad na nag-usap upang pasimulan ang paglikha.
Nang nag-uusap na ang Tatlo ay nakatanaw sila sa malayong malayo sa dakong kailaliman, ng tatlong liwanag na nagniningning na tumataas at patungo sa dakong kinalalagyan nila. Ang buong akala ng Tatlo ay sila lamang ang una at sila lamang ang Dios, ngunit ng makakita sila ng iba ay sumaloob nila na may iba pang Dios na katulad nila. Ang nasabing liwanag ng malapit sa tatlong nag-uusap ay tumapat ang isa sa bawa’t isa at ng kanilang mamasdan ay tatlong titik na nagniningning na S.T.M. na ang sabi sa kasaysayan ay SAU TUM MUP na naging tatlong bato na kanilang uupulan. Ng sila’y uupo na, ay nakita nila sa ibabaw ng bawa’t bato ay may tig-isang salitang nakasulat na ARDAM ARADAM ADRADAM . Ang tatlong salitang ito ang ay siyang tunay na pangalan ng Tatlong Personang nag-uusap. Ang mga pangalang ito ay dapat ilihim at hindi dapat sabihin kundi doon lamang sa karapat-dapat pagsabihan.
Sa pag-uusap ng tatlo ay pinagkaisahan nila na gawin at palitawin ang lupa, subalit ng lumitaw ang lupa ay gayon na lamng ang kanilang pagtataka at panggigilalas sa kanilang nakita na pitong bakas na hindi nila maubos malirip kung bakit nagkaroon ng gayon ay hindi pa sila lumilikha ng tao, kaya’t inisip nila na hanapin upang makilala kung sino-sino ang mga may bakas niyaon. Sa kanilang paglalakad ay natagpuan nila ang nasabing pito, subali’t ng tanungin nila upang makilala ay ayaw magsabi ng kanilang pangalan, at ang sagot pa sa tatlo ay wala silang paki-alam sa kanila at sila’y hindi nila nasasakupan. Sa sagot na ito ay umalis ang tatlo at iniwan na ang pito upang magbalik sa kanilang upuang bato, ngunit sa pag babalik nila ay nakatanaw sila sa malayo ng dalawa katao na hindi rin nila mapagsino, Totoong nagugulumuhanan ang tatlo sa nangyayaring ito, kaya’t ang ginawa ng tatlo ay nilapitan ang dalawang nakita at kanilang tinanong, subali’t ang sagot ng dalawa ay kagaya rin ng pito, na hindi sila dapat paki-alaman at sila’y hindi nila nasasakupan, at ang sabi pa sa kanila : Ng hindi pa yari ang sangtinakpan, gumawa na kami ng aming sariling tahanan, sa litid ng mundo kami tumatahan. Sa sagot na ito ay iniwan na ng tatlo ang dalawa upang magtuloy sa kanilang upuan at magpatuloy na sa kanilang paglikha at paggawa. Pinagkayarian ng tatlo na gawin ang liwanag na tatanglaw sa sangsinukob, at sinimulan na nga nila ang paggawa sa araw. Nang mayari na nila ang araw ay hindi nila mabigyan ng lubos na liwanag, ng ningning at ng init. Walang ano-ano ay nakarinig sila ng isang tinig na nagsasabi na ang tanging makapagbibigay ng kailangan nila sa araw ay ang matandang babae na kanilang nakita na tumatahan sa litid ng lupa, kaya ang ginawa ng Ama ay inutusan ang Anak sa sinasabing matandang babae upang hingin ang kanilang kailangan. Ng lumakad na ang Dios anak ay biglang nagdilim ang dinaraanan at hindi malaman ang patutunguhan kaya’t siya’y napatigil at sa pagtigil niya ay may tinig siyang narinig na nagsabi sa kanya na ganito ang iyong sabihin upang magliwanag at ng makita niya ang kaniyang dinaraanan . Ang salita ay ganito : LIHIS TAGUITAC SAGRANATAC PAPARONATAC. Ng ito’y masabi ay biglang nagliwanag ang kanyang daraanan, kaya’t siya’y nagpatuloy. Ng siya’y dumating sa litid ng lupa na tinatahanan ng nasabing matandang babae ay tumawag siya, ngunit walang sumasagot bagama’t nararamdaman niya na may mga tao sa loob. Ng siya’y ayaw buksan at ang matandang babae ay hindi niya makausap,, ay nagbalik siya sa Amang nag-utos upang ipagbigay-alam ang nangyari. Ng matanto ng Ama ang nangyari ay pinabalik ang Anak at ang bilin niya pagdating sa pinto ng tahanan kueba ng malanda ay ganito ang sabihin: “Credo de la Sanctisima Trinidad Virgen Muy Poderoso Sumitam Rey de los Erejes Tartan Sancta Emerenciana, Mibat Miallarat Jesus Virgen Maria Isumo Benedictus Crucis, Oh Deus Imitam Imibuyos Deste Allisum Seram Calabarian Apocalipsis Hoc Est Enim Corpus Meum, Et Incarnatus et de Spirito Sancto,
Natus Ex Maria Virgine Et Emo Cactus est et crucifixus: Sancta Emerenciana, Santo Ustolano. Sancto Algamo, Sancto Mitam Sancto Solamitam , Sancto Icam Sancto Demicallote Sancto Demillorus, Adveni Dissimo Loctuos , Sancta Mitam Ceram Balambam Guntillan Mujer Angelitam Singratam Obalam Tantan. Sancto Magob, Santo Macob, Sancto Marob, Santo Yubuob, Santo Lib Sto. Loctorum, Jesus Sancto Sancto Baclorum”
Nang dumating ang Dios Anak sa pinto nang nasabing kueba aytumawag siya sa matandang babae at ng siya’y ayaw buksan ay sinambit ang mga salitang sinabi ng Ama. Matapos niyang banggitin ang mga nasabing pangungusap, ang pinto ng kueba ay biglang nabuksan at lumabas ang matandang babae. Sinabi ng Dios Anak ang kanyang sadya, at ipinagkaloob naman ng malanda ang hinihingi ng anak ng Dios. Dumukot ang matandang babae sa kanyang sukbitan at isang bubog na nagniningning ang ini-abot sa Dios anak, at ang bilin ay ikuskos ang nasabing bubog sa mukha ng araw upang magliwanag at magkainit. At gayon nga ang ginawa ng Dios Anak, ikinuskos sa mukha ng araw, at ang araw ay uminit, nagningning at nagliwanag.
Nasa ganitong kalagayan ng sila’y makarinig ng isang tinig na hindi nila mapagsiya, kaya’t kanilang sinundan at ng kanilang abutan ay isang ulilang liwanag ang kanilang nakita. Tinanong nila kung sino siya at ang sagot sa kanila siya’y mata, at biglang lumagapak sa kanilang harapan ang isang matang may pakpak. Nang kanilang dadamputin ay biglang lumipad ang matang may pakpak at kanilang hinabol hanggang sa gitna ng dagat . Ang matang tumalsik ay biglang nabasag at naging tatlong piraso na naging tatlong isda at sa katawan ng bawa’t isa ay nakasulat ang tig-iisang salita na ARAM ACDAM ACSADAM. Nang sundan ng tatlong Personas ang talong isda ay biglang lumubog at nawala at naging tatlong batong lumubog sa pusod ng karagatan. Sinundan din ng tatlong Personas at hindi hinihiwalayan hanggang sa sila’y sumapit sa kaibuturan ng dagat. Ng sila’y sumapit sa lugar na yaon, ay nakakita sila ng isang malaking bato at sa libis ng nasabing bato ay may isang matandang naglalakad, at siya ay kanilang sinundan at ganito nga ang sabi sa Kasaysayan.
Nang ang Tatlong Persona’y naglalakad sa kaibuturan ng dagat, nakasumpong sila at nakamalas, isang matandang naglalakad sa libis ng bato ARA ang pamagat. Sa gayon ang Dios Ama ay nangusap SANCTUS DEUS, Ang Dios Anak ay sumagot SANCTUS FORTIS, Ang Espiritu Santo’y nagsulit SANCTUS IMMORTALIS, ngunit may sumagot na boses wika’y MISERERE NOBIS. Ang Tatlo’y lumingon pagdaka sa boses na nagbadya, aba anong katakataka, tayo pala’y may kasama. Halina’t ating hanapin at ng ating masumpungan, nang matagpuan ang matandang sinusundan sa bato’y nasok pagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ito ang ipinahayag sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas . LIMBOR CALICATAB SANCTO TITAB ET LLAVIS SARAC. Ito ang ibubukas mo sa pinto ng Paraiso sa tabi ng Getsemani kung ang pinto ay sarado : ARAM MANLA MANGGASAC CALINABOC CALICABOC MORTALITAEM SALOCTIL, ALICATAB CALARCAR CATARCAR SANCTO PATER TRITIYO. Ito ang ibubulong mo sa pinto nang makaitlo : RITUIT GARITDIT LARUIT LAYARIT LAMBICUB LARICUB CALICUB.
Nang ang bato ay masarhan sa Nunong pinasukan sa Tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ginawa ng Tatlong Personas sa langit agad umakyat, tumuntong sa alapaap at sila ay nangag-usap. At kanilang sina sambit yaong wikang matatamis : SANCTUS DEUS, SANCTUS FORTIS, SANCTUS IMMORTALIS sumagot na naman ang boses wika’y MIERERE NOBIS. Pinaghanap na pilit ng tatlong Dios sa langit, kaya’t ang sa Amang sulit hanaping pilit ang boses. Ang Anak ay inutusan na hanaping pagpilitan. Sa kanilang pag-uusap biglang sumipot ang liwanag sa ulunan ng Tatlong Personas at Yaon ang ika-apat. Agad ipinahabol na ng abanal na Dios Ama kay Jeus na anak niya di inabot at di nakita at di nakita. Sa kanilang paghahabulan ang matanda ng abutan doon sa bato OMO ang ngalan matanda’y nasok pagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Ng ang bato ay masarhan sa matandang pinasukan, walang makabukas sinoman . . . Poon kungdi ikaw po lamang . . . , Sabi ni Yesus na mahal, kita ngayo’y bibinyagan, matanda’y tumugon na ganito ang isinaysay BENEFICAT DOMINUS ANGELIS ENCIELIS DEUS CONSUMATUM E S T JERUSALEM DEUS MEUS SPIRITO SANCTO SALVAME CHRISTI. Ang tugon naman ni Jesus : INSILIS DOMINUS NON SOLO DEUS VERBO BENEFICATIS INDIGNUM CRISTUM SANCTORUM MANIBUBULOS SALVAME. Ang sagot naman ng nasa loob ng bato : BENEDICTUS TUIS CRISTO JESUS CONSUMATUM MISIN DEUM INDIGNUM CRISTUS CRISTUS DEUS MEUS INDIGNUM CRISTUM EGOSUM . Ganiyan ang sagot ng nuno sa Apo ng siya’y naroon sa loob ng bato katawa’y malata parang nanlulumo, sa pagkakaupo doon sa bato OMO. Ang Nuno’y ayaw pasakop kaya nagwika si Jesus : EGUM MURMURAB MOCTULAN EBOC DINOS . Sumagot naman ang nasa loob: SANCTUS TUI ILLOS ASAUPATER NOBAY S A N C T O MEAM SANTO LEAM BIHAB BISAC LAMPAS TALARAPAS ang pinto ay iyong ibukas . LAMBUCANUS . Yaong batong nasasarhan ay bumukas kapagkuan, ang Nuno’y sas itaas nagdaan, kay Jesus ay di namalayan. Ganito naman ang saad sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas at lumabas sa itaas : PATER SANCTO ACAB PATER SANCTO HIRVIL EMUGAN PONTIFICE PILATI OMO USO OMO . Noong lumabas sa bato ang Nunoong Infinito, ang kaniya naman tinungo ang masayang Paraiso. Sinundan kapagkaraka, ng banal na Tatlong Persona at doon nila nakita liwanag na kaaya-aya. Ng dumating ang Sagrada Pamilia sa pinto ng Paraiso, ay nakatanaw sila ng isang maligayang liwanag na walang katulad, at sa gitna ng nasabing liwanag ay naka-upo ang Infinito Dios sa kanyang dakila at kamahal-mahalang trono. Nang mamalayan ng Infinito Dios ang ninanais ng Sagrada Pamilia na makalapit sa kanya upang siya’y binyagan, ay agad sinabi ang ganito : CUIVERITATIS VERBUM EGOSUM . Sa winikang ito, ang Sagrada Pamilia ay napatigil at hindi nakatuloy, kaya’t si Jesus ay nagwika naman . Oh makapangyarihang MILAM haring tinatawag ng mga erejes, ako’y naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng matalos ng Infinito Dios ang gayong sinabi ni Jesus, ay nangusap naman siya ng ganito: HIPARO DEL RAPTO SIGIT HIPARO SIGIT. Ng ito’y masabi ay biglang naparam sa kanilang mga mata yaong maligayang liwanag, sampu ng Infinito Dios ay hindi nila nakita, kaya’t muling nagwika si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM haring pinopoon at Dios ng mga erejes , ako ang ikalawang Persona na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng ito’y marinig ng Infinito Dios ay biglang nagtindig sa kanyang pag-up sa luklukang trono at habang siya’y lumalakad ay ganito ang sinasabi : SARJAS GUIMPAS RATAL MACAGUIMPAS SUPLENT SAVATOR . Naramdaman ng Sagrada Pamilia na ang Infinito Dios ay lumabas sa Paraiso ngunit hindi nila nakikita kingdi naririnig lamang nila ang yabag ng mga paa at sila ay natigilan at hindi nakasunod agad, ngunit ng kanilang sundan ay nakasapit na ang Infinito Dios sa bundok ng Boord. Ng sila’y dumating sa nasabing bundok, ay nabasa nila na nakasulat sa mga dahon ng kahoy ang dalawang letra na L.M. at ang Infinito Dios ay nakapasok na sa loob ng nasabing bundok. Sa ganito ay nagsalita na naman si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM hari ng mga Erejes, ako ang abang sanpascual na parito sa iyo upang ikaw ay binyagan. Ang Infinito Dios ay sumagot: MAIGSAC EIGMAC . Sa winikang ito ay nalinlang ang paningin ni Jesus at hindi niya makita ang Infinito gayong nasa tabi lamang niya, kaya’t si Jesus ay nagwika ng ganito: HUGARE NUGHUM . Sa winikang ito ni Jesus ang Infinito Dios ay biglang sumuling-suling at hindi maalaman ang kanyang patutunguhan ngunit siya’y hindi hiniwalayan ni Jesus at siya’y sinundan at pinaki-usapann na pabinyag upang maging binyagan at maraming bagay ang ipinangangako ni Jesus sa lupa at sa langit man kung tatanggapin niya na siya ay pabinyag.
Nang maramdaman ng Infinito Dios ang nangyayaring ito sa kanya, ay biglang nagwika ng : CUIVERITATIS VERBUM BULHUM. Ng ito’y masabi si Jesus ay hindi makapangusap, kaya’t ang Amang nag-utos kay Jesus ay biglang nagwika naman PROCULTIS BOHOB . Ng ito’y masabi ang Infinito Dios ay hindi makakilos, kaya’t nagwika naman siya SUPNERIT HULHUM MALAMUROC MILAM at siya’y nakagalaw at biglang sinunggaban ang isang batong sillar na ang bigat o timbang ay may isang daan at limampung arroba at nasa’y ipalo kay Jesus, kaya’t biglang sinabi ni Jesus ang IGSAC at ang dalawang kamay ng Infinito Dios ay hindi makagalaw, at saka isinunod ang IGMAC at biglang nabitawan ang hawak na bato, at saka sinundan ng IGOT HUM at ang Infinito Dios ay biglang nalugmok sa tinutuntungan bato na may ilang sandali, ngunit ang ginawa ni Jesus ay ibinalik ang pangungusap at ang Infinito Dios ay pinagsaulan nang malay. Ng makita ng Infinito Dios ang nangyayaring ito sa kanya ay biglang sinambit ang kamahalmahalan niyang pangalan na LAMUROC MILAM . Ito‘y isinigaw nang ubos-lakas ng boses na kagulat-gulat at biglang nagdilim ang sangtinakpan at lumindol ng malakas, subalit ng makita ng mahal na Virgen ang nangyayaring ito ay biglang sinambit ang MAGSIAS BOLHUM at biglang tumigil ang lindol, napawi ang dilim at biglang nagliwanag. At si Jesus naman ay biglang nagwika ng PACTENIT EGOLHUM . Ng ito’y masabi ang Infinito Dios ay biglang lumubog sa tinutuntungang bato at hindi makakilos na parang ilagay ng dagat na parang nakanaengkanto, at inisip ni Jesus na bitin , ngunit ang mahal na Virgen ay nagsalita naman ng ganito: EDEUS GEDEUS DEDEUS DEUS DEUS DEUS EGOSUM GAVINIT DEUS, at hindi na natuloy ang ang iniisip ni Jesus ng ito’y masabi ng Mahal na Virhen. Ang ginawa ni Jesus ay pinaki-usapan ang Infinito Dios kaya’t ang sabi :
ELIM - katawang pagka-Dios,
ENE MANUM – baras ng pagka-justicia, ako’y naparito sa iyo,
EXIAS - ikaw ay pabinyag
ESUI ESUPERATIS EXIANIBUS – sa pangalan ng Ama, Anak, at Espirito Santo, sumang-ayo ka sa akin.
Ang sagot ng nasa loob ng bato:
NUCCIUM – hindi ako papayag
HUCCICIM – walang pangyayari
NAUPTRIS - sino ang iyong Ama,
HUCSIUM – sino kang naparito at sinong nag-utos sa iyo,
NATUS – ako ang Ama ng iyong amang tinuran
HUCCIANI – ako ang unang lumitaw,
NUCAM DEI – Isang Dios na nanghahawak at dapat pagkunan ng kapangyarihan.
Ang sabi ng Dios Anak:
ETSAC ECATUM MANUM DEI – ako ang Anak ng Dios na dapat sundin
EMPURO MECATIONEM – hari ng langit at lupa
IN DEI – Dios na walang katapusan na kina-uuwian ng lahat ng bagay, wala kungdi ako at ang Ama ko lamang, ang dapat magbinyag upang mapasok ka sa aking bakuran.
Ang sagot ng nasa loob ng bato :
SERICAM – hindi ka dapat maki-alam
SERIORUM – sa hindi pumapasok
SURTIS SURTIS - sa lumalabas sa iyong bakuran
MICCIONEY – ako ang Dios na dapat sundin.
CECATUM – ikaw ang bibinyag
HUC DEI – ako ang siyang marapat
Ang sagot ng Dios Anak:
ENATAC EXANTIUM MORUM – ikaw ang Ama ng hindi binyagan, hindi ka dapat mapasok sa pinto ng kalangitan
ENTIO GETILE MEA TI MEA – kung hindi ka papayag na sa akin ay pabinyag,
CORPOREMENTE L E S T I CATUM – hindi ka masasakop ng aking katawan at kapangyarihan, ako ang nagtatangan ng ilaw at kalangitan.
Ang sagot ng I. Dios:
LUXIM – Ako ang Ilaw
MORIM – ng kalangitan
MURANI – magbubukas at bubuksan,
MONA MONIM – na naghahawak
MONA MONIM - na naghahawak ng lahat ng bagay.
Ang sabi ng Dios Anak :
EXIAM MIRAM – ikaw ay pabinyag sa pangalang iyan at ang sinomang tumawag ay hindi dadanas ng anomang hirap sa kabilang buhay,
REX MIRANO – tatawagin kang ikalawa sa aking katawan,
ENERIUM MATAM – sa pangalang ng aking Ama,
ENRICAM MITAM – Sa pangalan ng Espirito Santo,
ENSUTIO MICAM – Sa kapangyarihan ng Santissima Trinidad, ang siya kong ibibinyag sa iyong katawan, Dios sa mula at sa walang hanggan, na walang katawang pagka-Dios.
Ang sagot ng nasa loob ng bato:
UNIEM – ako ang Santisima Trinidad,
UNNUM – lumabas at nilabasan
CANANUM – na nagbibigay ng kapangyarihan,
Batum – Dios na hindi matarok,
UBCATUM – Isang Dios na tunay, at kayo ang Bait, ang Loob At Ala-ala.
ACSIBIT CORPORE TRINITATIS SICUT DEUS ,
ganyan ang sinabi ng Nuno bilang pasang-ayon sa hangar ng Apo.
LUTME LOS SALVATOR ET CONFUNDE HOC SUTAM TRINITATIS TUI ET SANCTI EVAE LI .
Ako’y pabibinyag sa kapangyarihan ko at sariling lakas, ngayon ako ay papayag, sundin mo balang ipangungusap :
LUTME – walang mahuhulog
ESMATIBAL – walang kahirapan,
SALUTIS GENTELISE MICAM – ni dilim walang dadaanan, sabog ang impierno ang limbo ay waray, mabuksan ang langit ako ang dadaan.
ESNASOC - aking isusuot,
ESNAVAT – daliri ko sa labas
EVEVAT – ako’y pabibinyag, sa pangalan ko rin doon magbubuhat,
MACMAMITAM M A E M P O MAEM – ako’y isang Dios sa Ama, sa Anak,, sa dunong, kapangyarihan at lakas, tatawaging Dios na Tatlong Personas.
Ang sabi ng Dios Anak:
EGO TE BAPTISE MACMAMITAM MAEPOMAEM IN NOMINE PATRIS ET FILI ET SPIRITUS SANCTI EGO SUM DEUS TURBATUS.
Ng ito’y masabi ng Dios anak ay biglang nagwika ang Infinito Dios :
SUBTIHOY MIDAD INSALIDAD QUILIMIDAD - dito sa winikang ito, nawalang bigla ang tatlo, lumubog umalis sa tatlong mundo nahawi sampu ng bato, humarap ang tatlo Ama , Anak , Spirito Santo
-- MACMAMITAM MAEMPO – Ejercitos at Gloria ng Pitong MAEM, Senor Dios de los Mundo. A. V.
- Haring walang pinagmulan, at hari ng punong pinagmulan, at hari ng hari ng lahat ng hari:
FEISUM EISUM CEISUM FECSUM TRI-ENICIM TRICNISUM H U R I C CIUM FURIM FERICCIUM HUCCIUM .
Bago umakyat sa langit ang Tatlo, ay nag-iwan muna ng dalawang salita na dili iba’t ang kanyang lihim na pangalan M.M. at ang sabi niya ay ganito : Ito ang iniwan kong pangalan sa lupa noong ako’y maengkanto sa bundok ng Boor, at ng umakiat ang tatlo ay itinuro kay Jesus ng Ama ang pangalan n I. D. Na nakasulat sa sikat ng araw at doon sa ibabaw ng sinag ay nakasulat ang mga salitang:
PAX TIBI DOMINE
DEUS NORUM
DEUS NORAM
DEUS NOCAM
DEUS MEORUAM
Tangi dito, ay nag-iwan pa siya dito sa lupa ng dalawampu’t apat na pangalan ng dalawamput apat na matatanda na nakapalibot sa Dios Ama sa langit na kaitaasan. Ito ay ang mga sumusunod :
1.HAVET
2.ANORETERCUM
3.HAECJAM
4.GESTABATOLNISE
5.NONEDEMITE
6.PLAUSUCINTER
7.ASPIANTEDIVO
8.ARASUPILLA
9.NUBESUBDENSA
10.MONSTRUMTE
11.LETHALIBURNOS
12.ELEJETIBUS CURUM
13.AMATVIDERI
14.GENSDURA
15.NUDANTUROSA
16.ARUMDUDATOR
17.SUBJESTUS DESYT
18.MOATALITATIR DEDERIT
19.LUISISERORBE
20.TREMENDA CUJUS
21.SUSPONTE SUMJESIT
22.PENDENTIS DEI
23.NOENDECIM
24.GRACAEGO
H.A. H.
A.B. A. C.
HOCMITAC AMINATAC HIPTAC
ATUM BEM ATAIR CIEM
U.R. G. U. M.
UYABITGALINAM UNTAR
RESUREXIT MULATAS
1. HOCMON
2. AMOAM
3. HUBAM
4. GRENTE
5. NENATAC
6. PAMPANABAD
7. ACMULATUM
8. AGUECA
9. NUMCIUM
10. MULATOC
11. LUMAYOS
12. ESNATAC
13. ABRICAM
14.GENTIUM
15.NATAUME
16.ANIMASUA
17.SERICAM
18.MATAMORUM
19.LAUSBAL
20.TUMATUM
21.SUAM
22.PETRUM
23.NATUM
24.GENTILLORUM
Sa araw at Buan, ito ang pinagkaisahan ng sila ay bigyan ng kaliuanagan dito sa ibabaw ng lupa: Inang MURLILUAC SIACTIS S A N C T U S
PRONOBIS SANCTUS LUMAGOS.
Ito ang pinagkaisahan ng apat na Angel na iyong kakasamahin sa iyong pagpasok. Ito ang inawit ng nag buhat sa dagat SALVUM POPULUM PACPACTUM OARUM ANGELUM SALBIM PIPILIM SARIOLIJIM DOMINI TUORIM IMPIRITATUM, Inang MURLIM ako’y papasok. QUEM SALVATO TRINITATO, sa Amang Santo BEATO.
Ito ang pinagkaisahan ng Araw at Buan ng sila’y lumapit sa kabilang mundo, ay walang makapangyarihan kungdi sila lamang.
YLUJO YRAYIS YLAGLORIA
LIHIS TAGUITAC SAGRANATAC PAPARONATAC UP MADAC * ABO NATAC
Buksan ninyo ang pinto at kami’y papasok.
Ito ang winika ng Ina ng araw ng siya’y pumasok sa kailaliman sa kaibuturan ng Santong kalihiman: TRAGUIBOG YNCIRIOT TIBOG VIHAB CALICUB TALTABOG TRITALIS ACOARUG SANTILAC.
Ito ang winika ng Ama ng Buan ng siya’y lumapit sa kailaliman sa kaibuturan ng Santong kalihiman:
QUIM TATRATIRUM SALBUM INTRITORIUM SALAMPAT SALUMPAT.
ANG LIHIM AT HAYAG NA KARUNUNGAN Chapter II
MGA TUNGKULIN NG 24 ANCIANOS
1. UPHMADAC - Ito ang pinakaunang espirito sa 24 Ancianos, maliban sa pagbabantay sa unang oras o ala una ng madaling araw, siya ang nagdesinyo ng Araw sang-ayon ng tungkuling ibinigay sa kanya ng Infinito Diyos. Gumawa siya ng maraming desinyo at ito'y inipresenta niya sa kanyang mga kasamahan at sa Panginoon, at pumili sila at napagkaisahan nilang lahat ang hugis o hitsura ng araw na siyang nagbibigay liwanag sa mundo sapul pa noon hanggang sa kasalukuyang panahon at sa darating pa.
2. ABONATAC - Ito ang pangalawang espirito ang siyang gumawa ng desinyo upang magkaroon ng Buwan na siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa panahon ng gabi. Ganoon din ang ginawa niya, marami ring desinyo at ang mga ito'y inipresenta sa kanyang mga kasamahang sa 24 Ancianos at sa Infinito Diyos, at kanilang napagkaisahan ang hitsura ng buwan na nasa kasalukuyang panahon natin ngayon.
3. ELIM
4. BORIM
5. MORIM
6. BICAIRIM
7. PERSALUTIM
8. MITIM
- Ang mga espiritong ito ay hindi tumanggap ng katungkulan, kaya ang kanilang ginawa ay ang paglagalag lamang labas pasok sa mundo. Bagamat sila'y tagabantay ng Diyos at sa oras na kung saan naman sila natatapat sa kanilang mga numero.
9. AMALEY - Ito ang pangulo at unang ministro sa mga arkanghelis na mandirigma. San Miguel ang tawag sa kanya ng mga sektang grupo. Sa kanyang balikat nakasalalay ang pakikipaglaban sa mga masasama upang magkaroon ng katiwasayan sa lupa at sa langit din.
Ang pangalang Miguel ay nakasulat ito sa Biblia, gaya ng sa Daniel 12:1 ganito ang sabi: "SA PAGKAKATAONG YAON, DARATING SI "MIGUEL", AT MAGKAROON NG MATINDING KAHIRAPANG HINDI PA NANGYAYARI KAILANMAN. NGUNIT MALILIGTAS ANG MGA KABABAYAN MONG ANG PANGALAN AY NAKASULAT SA AKLAT NG DIYOS," sa Pahayag 12:7 ganito naman ang pagkasulat: "PAGKARAAN NITO'Y SUMIKLAB ANG DIGMAAN SA LANGIT! NAGLABAN SI ARKANGHEL MIGUEL, KASAMA ANG KANYANG MGA ANGHEL, AT ANG DRAGON, KASAMA NAMAN ANG KANYANG MGA KAMPON."
Si Miguel ay nakatalagang magbabantay sa pang-siyam na oras sa bawat araw, maliban doon siya pa rin ang tagapagbantay sa unang araw sa bawat linggo, ito ang araw ng linggo, kaya sa kaalamang tago, dapat daw si Miguel ang tawagan sa mga araw na ito upang maiiwasan ang ano mang sakuna o mga pangyayaring hindi mangyari.
Ang bansang Pilipinas ay maraming naniniwala kay San Miguel, ito'y maging sa sektang grupo at sa mga nasa kultong grupo. Maraming simbahang malalaki at maliliit man ang mga ito ay nagdiriwang sa kapistahan ni San Miguel sa bulan ng September, sa panahong ito ay gumagawa sila ng mga bagay na ikinalulugod daw sa kanilang kaligtasan lalong lalo nasa panahon ng digmaan, marami silang mga salitang latin na binibigkas na pag-aari daw ni San Miguel na siyang pinaniniwalaang mga anting-anting upang magiging matagumpay sa larangan ng labanan. Siya rin ang espiritong tagahatid balita at mensahero ng Infinito Diyos sa buong kalangitan. Ganito ang panawag ukol ni anghel Miguel: ESTO MIHI BALTEUS ET DAMIHI PRODEO ET IN DEO MORI.
10. ALPACOR – Ito ang ginagawang kalihim ng Siete Arkanghelis sa buong universo, siya sa pangalang San Gabriel na kung saan ay tagatala sa lahat ng nakatagong kababalaghan sa buong sanlibutan at kalawakan, sa Biblia naitala ang pangalan Gabriel, sa lumang testamento sa sulat ni Daniel Kapitulo 9 Bersikulo 21 ganito ang sabi: “AT HABANG NANANALANGIN AKO, ANG LALAKING SI GABRIEL NA NAKITA KO SA UNANG BAHAGI NG AKING PANGITAIN AY MABILIS NA LUMIPAD SA AKIN SA ORAS NG PAGHAHANGOD SA GABI.” At sa bagong tipan naman ay ganito ang nakasulat sa Lucas 1:26: “NANG IKAANIM NA BUWAN NA NG PAGDADALANTAO NI ELISABET, ANG ANGHEL GABRIEL AY SINUGO NG DIYOS SA NAZARET GALILEA.
Si Gabriel ay nakatalagang magbantay tuwing ika-10 ang oras sa umaga sa bawat araw, maliban doon siya pa rin ang tagabantay sa bawat araw ng Lunes, kaya sa mga nakakaalam nito, mabuti daw siya ang tawagan sa araw na ito upang ligtas sa lahat na kapahamakan.
Marami din ang sumasampalataya kay Anghel Gabriel gaya ni Miguel. May naggunita sa kanya sa pamamagitan ng kapistahan ito ang mga nagdibuto sa kanya. Sa kultong grupo naman ay ang kanyang pangalan ay ginagamit nila ito sa pagdepensa sa sarili at umaasa sila sa kaligtasan lalong-lalo na sa digmaan. Ito ang panawag ni Anghel Gabriel, ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDEMEM IMPARTIENDO.
11. AMACOR – Ito ang prinsipe ng anghel ng hukom at siya rin ang nagbibigay sa biyayang pangkalangitan na kung saan ay siya pa rin ang Mayordomo ng Infinito Diyos. Ang anghel na ito ay kilalang-kilala sa pangalang San Rafael, siya ang taga-bantay sa oras na alas 11 sa umaga sa bawat araw at Martes naman ang kanyang binabantayan na araw sa bawat linggo, kaya dapat siya ang tawagin mo sa araw na ito upang ikaw ligtas sa mga kapahamakan. Ganito ang panawag ni Angel Rafael: ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORISE ET ANIMAE.
12. APALCO – Ito ang anghel na ginawang Hustisya Mayor sa langit, ito ang punong administrador sa mga bagay pangkalangitan at tagapag-rekomenda sa Diyos ng kaparusahan na dapat gagawin, siya rin ang taga-bigay ng karunungan upang magagamit ang kaluluwa at katawang lupa ng tao. Ang anghel na ito ay nakikilalang si San Uriel na nakatalaga sa pagbabantay sa oras ng alas 12 ng tanghali at siya rin ang tagapagbantay sa mga araw ng Mierkules, kaya dapat siya tatawagan sa araw na ito upang maligtas sa ano mang sakuna. Ganito ang pagtawag sa kanya. ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO MIHI PROTECTOR.
13. ALCO – Ito ang espiritong taga-hain o taga-panalangin sa Diyos ng ano mang magaling na gawa ng tao, siya rin tumatanggap at tagabigay alam sa makataong pangangailangan, patungkol sa Diyos. Ang anghel na ito ay nakilalang si San Seatiel na siyang bantay sa araw ng Huebes at oras na tuwing ala una ng hapon araw-araw, kaya dapat siya ang tawagan sa araw na ito: Ganito ang pagtawag sa kanya: LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM PECCATORIUM MIHI PULORUM.
14. ARACO – Ito ang espiritong ginawang ingat-yaman at biyaya, siya ang humahawak ng susi upang maibigay ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos. Ang anghel na ito ay nakilala sa pangalan San Hudiel, ang taga biyaya at tagapagloob ng awa ng Diyos. Siya rin ang naatasang magbabantay sa araw ng Biernes, kaya siya dapat ang tawagan sa mga araw na ito. Ganito ang pagtawag sa kanya: CRUCEM PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM ESTO MIHI UMBRACULOM ET FACME ISSIDUM INCOMPETENDO DOMINO.
15. AZARAGUE – Ito ang espiritong tagapag-alaga ng Langit at Lupa, at siya ang taga tulong at taga-ampon sa lahat na espiritong nasasakupan ng Infinito Diyos. Ang pangalan niya ay kilala sa tawag na San Baroquiel ang bantay sa oras ng alas 3 ng hapon sa bawat araw at naatasang magbabantay din tuwing araw ng Sabado, kayua siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito. Ganito ang pagtawag sa kanya: AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE OBTIMIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME NUMQUAM SEPARARE A DEO.
Si San Baraquiel ay ang pinakahuli sa Siete Arkanghelis na kilalang pitong mandirigma ng Diyos Ama. Maraming nakasulat sa kanilang mga kasaysayan na hindi naisulat sa Biblia, subalit ito’y nakaabot din sa kaalaman ng tao sa pamamagitan ng mga profeta na siyang sadyang sumulat ng mga ito bilang tago ng karunungan upang mapanatiling bahal sa tunay na mananampalataya. Ang Siete Arkanghelis ay subok na sa katatagan at katanyagan, marami ang kuwentong nagpapatunay nitong lalong-lalo na sa mga kultong grupo, daan-daan na ang mga taon ng mga ito sa paggamit sa wikang nakatago ng Siete Arkanghelis na kung saan ay kinakatagurian. “Anting Anting” na lumigtas ng buhay panahon sa mga sakuna at digmaan. Hanggang sa ngayong panahon ito nanatili pa rin ang walang kupas na pananalig sa mga taong nabubuhay lamang sa pag-asa ng tagong karunungan ng Diyos upang makamit ang minimithiing kaligtasan.
16. LUXBEL – Ang espiritong ito ay ang pinakabunso sa mga espiritong unang gawa ng Infinito Diyos. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “Liwanag n Langit” dahil siya’y pinakamalapit sa Diyos. Nang ang Diyos ay mag-umpisa na ang kanyang paglalang, bininyagan siya ng pangalang BECCA, subalit sinuway nito ang Infinito Diyos kaya pinangalan siya nito muli ng LUXQUER o LUCIFER sa ating salita.
Ang kasaysayan ni Lucifer ay matutunghayan sa isang Aklat na Tago, ang aklat na ito ay pinamagatang DIES MUNDOS (Pangsampung planeta). Sa aklat na ito ay matatagpuan ang iba-ibang uri ng bawal na karunungan gaya ng pangkukulam, malik mata, pang-gagayuma at marami pang iba, kaya dinidismaya ang sino mang magkaroon nitong uri na libro dahil ito ay sanhi ng pagkakasalang walang kapatawaran sa Panginoon.
17. ISTAC 18. INATAC 19. ISLALAO 20. TARTARAW at 21. SARAPAO – Ang limang espiritong ito ay hindi nabinyagan at hindi tumanggap ng tungkulin, kaya noong si Panginoong Jesucristo ay kasalukuyang nakabayubay ng krus, ang mga ito ay lumapit upang sana ay magpabinyag, subalit hindi nangyari ang gusto nila dahil sa mga oras na yoon ang ating Panginoon Jesus ay nalagutan ng kanyang hininga.
Ang huling tatlo ay kinakataguriang SANTISIMA TRINIDAD na sa kaalaman ng marami ay Sila ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ang paliwanag ng mga sektang grupo tungkol ditto ay malabo, maski na ang pinakamalaking relihiyon ay walang malinaw na paliwanag at ang nangyari ay ginawang panatiko nila ang mga kanilang nasasakupan upang kahit mali ang kanilang mga paliwanag ay paniwalaan sila ng mga ito.
Ang salitang Santisima Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, subalit nagbanggit ito ng Ama, Anak at Espiritu Santo, ganito ang sabi sa Mateo 28:19: “KAYA HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.” Ang tatlong ito ay pinaniwalaan ng marami ahit kulang ang kanilang kaalaman tungkol dito.
Bagamat ang Tagong Karunungan ay malaki, ang kaalaman tungkol sa Santisima Trinidad ito’y nanatili pa ring malabo sa karamihan dahil iilan lamang ang nakakaintindi nito sa kadahilanang ang tunay lamang na utos ng Diyos ang pwedeng gumawa sa maliwanag napagpaintindi sa ganitong mga bagay. Ang Santisima ay sila ang may dala ng numero 22, 23 at 24 dibisyon ng Espiritual.
22. MAGUGAB – Ang espiritong ito ay nagpepresenta bilang Diyos Ama, na ang sabi ng iba ay siyang unang persona sa Santisima Trinidad. Subalit bilang Diyos na Ama hindi ibig sabihin na siya ang Infinito Diyos, kundi ibinigay lamang sa kanya ang karapatan at tungkulin na nagpakilala bilang Diyos Ama. Siya ang binigyan ng pagdesenyo sa mundo at sa lahat na nilalaman nito gaya ng iba-ibang uri ng mga lumilipad sa himpapawid o mga gumagapang sa lupa, lalong lalo na ang tao. Ang taong karunungan ay nagsalaysay na hindi lamang sila Adan at Eva ang tao na ginawa ng Diyos, ito’y maraming uri at lahi. An kasalukuyang panahon ay makapag-patunay nito. Ang nakatala sa Bible History ay si Adan at Eva ay mayroong kayumanggi ang kulay, sa mga panahong ito mayroong tayong limang uri ang kulay ng mga tao sa sanlibutan, gaya ng pula na sila ang mga tao na kinakataguriang mga “Indian” ang dilaw naman ang mga lahi ng Intsik, Hapon, Koreano at sa mga kalapit nilang mga bansa, ang itim ay ang mga Negro na maski sa Pilipinas ay mayroon tayong mga itim na tao gaya ng mga Kungking na mga nitibo sa probinsiya ng Surigao, ang mga puti ay mga Amerikanoat tayong mga Pilipino ay naalinsunod sa kulay ni Adan at Eva na kulay kayumanggi.
23. MARIAGOB – Ang espiritong ito ay ang kinakataguriang pangalawang persona sa Santisima Trinidad, taglay niya ang kabuuan ng Diyos Anak na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay nagaganap an mga misteryo at katuparan sa mga Gawain ng Panginoon Jesucristo. Siya ang espiritong sumasakatawan ng ating Panginoon upang nagligtas sa bawat nilalang na tumatanggap at naniniwala sa Kanya. Ang katawan ng tao ay patay kong wala ang espiritong namamahay nito, kaya sa oras na iiwan ng espirito ang katawan, ito ay namamatay.
Ang espiritong sinabi dito ay siyang pumapasok sa bawat katawan ng taong utos ng Diyos na kung tawagin noong panahon ay “Kordero ng Diyos.” Sa bawat panahon ay mayroon taong utosan ng Diyos, subalit karamihan sa kanila ay hindi pinaniwalaan sa mga tao, gaya ni Jesucristo noong panahon ng kanyang pagmisyon dito sa ibabaw ng lupa iilan lamang ang naniniwala sa kanya, bagamat siya’y kinagigiliwan at linoluhuran sa ngayon, noon ay siyan inaalimura sa karamihan.
Sang-ayon sa talaan ng mga Salita sa Biblia ay ganito: ANG CRISTO AY SALITANG GRIEGO NA ANG KAHULUGA’Y “PINAHIRAN”, AT KATUMBAS NG “MESIAS” SA WIKANG HEBREO. “PINAHIRAN NG LANGIS ANG SINUMANG ITINALAGA SA ISANG TANGING GAWAIN. SI JESUS AY TINAWAG NA CRISTO SAPAGKAT SIYA ANG PINILI NG DIYOS NA MAGING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON.” Sa mga salitang ito ay nagpapatunay lamang na hindi iisa ang cristo dahil ang Biblia mismo ang nagsasabi na mayroon pang ibang tagapagsalita maliban ni Jesucristo. Sa Gawa 7:35 ganito ang nakasulat: “ITINAKWIL NILA SI MOISES NANG KANILANG SABIHIN, “SINO ANG NAGLALAGAY SA IYO UPANG MAGING PINUNO AT HUKOM NAMIN? NGUNIT ANG MOISES DING ITO ANG SINUGO NG DIYOS BILANG PINUNO AT TAGAPAGLIGTAS, SA TULONG NG ANGHEL NA NAGPAKITA SA KANYA SA MABABANG PUNONG KAHOY.” Sa puntong ito si Moises ay Cristo rin dahil nakasulat na siya’y sinugo at tagapagligtas din. Maliban kay Moises marami pa gaya ni Haring David, Haring Solomon, Samson, Abraham at iba pa.
Sa Juan 1:18 ganito ang sinabi: “KAILANMA’Y WALANG NAKAKITA SA DIYOS, SUBALIT IPINAKILALA SIYA NG BUGTONG NA ANAK…. SIYA’Y DIYOS NA LUBOS NA MINAMAHAL NG AMA.” Maliban sa talatang ito, marami pang naisulat sa Biblia na nagsasabi tungkol sa “Bugtong na Anak”, na sang-ayon sa mga mananampalatayang Kristiano ay si Jesucristo lamang ang Bugtong na Anak. Subalit ang ibig sabihin dito ay “Bugtong na Anak sa Bawat Panahon.” Sa bawat panahong mayroong sinugo ang Diyos ay ito’y matatawag na bugtong na anak, dahil kung tingnan natin ang Biblia hindi kailanman ang Diyos nagsugo ng dalawa katao sa isang panahon, bawat sinugo ng Diyos ay magkaiba ang panahon, kaya’y ang lahat na sinugo ng Diyos ay matatawag na Bugtong na Anak.
Kaya ang espiritong nakatalaga sa pang 23 na dibisyon sa Espiritual ay siyang nagiging at magiging espirito sa lahat ng taong sinugong Diyos na kung tawagin ay “Diyos Anak” ay tagapagligtas.
24. MAGUB – Ito ang kinakatagurian na pangatlong persona ng Santisima Trinidad bilang Espiritu Santo, siya ang gaganap upang maisagawa ang bagay na dapat mangyari sa mga panahong ito, dahil sa kanyang kapangyarihan ay mabubuo at matutupad ang mga pangako ng Infinito Diyos sa mga Tao. Gaya ng hindi pagkaisa ng mga tao tungkol sa paniniwala ng Panginoon, sila’y sumasampalatayanan tiyak ay mayroong Panginoon, subalit hindi pareha ang kanilang sistema sa pagsamba ng Diyos na iisang Biblia lang naman sana ang kanilang pangarap na kaligtasan sa buhay. Bakit magkaiba ang kanilang pananaw at enterpretasyon sa Biblia? Dahil wala sa kanila ang espirito sa katutuhanang ipinangako ni Cristo. Sa Roma 10, 13, 14 at 15 nakasulat ang pagpahiwatig tungkol sa tunay na sinugo ng Diyos, ganito ang sabi: “SAPAGKAT SINABI SA KASULATAN, ”MALILIGTAS ANG LAHAT NG TUMATAWAG SA PANGALAN NG PANGINOON”, NGUNIT PAANON TATAWAGAN NG MGA TAO ANG HINDI NILA SINASAMPALA-TAYANAN? PAANO SILANG MANANAMPALATAYA KUNG WALA PA SILANG NAPAKINGGAN TUNGKOL SA KANYA? PAANO NAMAN SILANG MAKAKAPAKINIG KUNG WALANG NANGANGARAL? AT PAANONG MAKAPANGARAL ANG SINUMANG KUNG HINDI SIYA ISINUSUGO? AYON SA NASUSULAT, OKAY INAM NA MAKITANG DUMARATING ANG MGA NAGDADALA NG MABUTING BALITA.” Sa talatang ito, maliwanag na ang tunay lamang na sinusugo ng Diyos ang makapagbigay sa tunay napaliwanag tungkol sa Diyos. Sa panahong ito ay magulo sa dami ng umaangkin, sino kaya sa kanila ang totoo? Ito’y napakalungkot na katotohanang hindi puwedeng tanggihan.
Sa 2Pedro 1:20-21 ay nagpahiwatig din ukol sa tunay na sugo ng Panginoon. Dito ating malalaman na ang Biblia pala ay dapat lang ipaliwanag ng tooong inutusan ng Diyos lalong-lalo na sa mga hula na naitala dito. Sa mga salita ni Panginoong Jesukristo ang karamihan ay hula tungkol sa paghahari ng Diyos dito sa mundo. Sa ganyang katotohanan, paano ito maipapaliwanag ng kung sinu-sino lang? Kaya ganito ang sabi sa kasulatan: “HIGIT SA LAHAT, TANDAAN NINYO NA WALANG MAKAPAGPAPALIWANAG NG ALINMANG HULA SA KASULATAN SA BISA NG KANYANG SARILING KAKAYAHAN. SAPAGKAT HINDI NAGBUHAT SA KALOOB NG TAO ANG HULA NG MGA PROPETA, ITO’Y GALING SA DIYOS AT IPINAHAYAG NG MGA TAONG KINASIHAN NG ESPIRITO SANTO”.
Ang tinutukoy dito ay siyang Espirito ng katotohanan na ipadadala ni Jesukristo dito sa mundo kaya kay tamis kung ito’y ating masusumpungan, subalit napakasakit ang katotohanang sa kasalukuyan ay marami ang mga kunwari, na kung masdan nating mabuti ay naisakatuparan na ang sinabi ng ating Panginoong Jesus sa Mateo 24:4-5 ganito ang sabi. “SUMAGOT SI HESUS, MAG-INGAT KAYO NA HUWAG NA HUWAG KAYONG MAILIGAW NINUMAN! SAPAGKAT MARAMING PAPARITO SA AKING PANGALAN AT MAGSASABI, AKO ANG MESIAS AT MARAMI SILANG MAILILIGAW”. Ang mga iyan ay kasalukuyan na nangyayari, ang sabi ng Panginoon ay “maraming paparito sa kanyang pangalan”. Karamihan at halos lahat sa mga sektang grupo ay umaasa sa pangalang Jesukristo kaya ang mga ito ang siyang tinutukoy ni Kristong naliligaw? Lahat ng mga ito’y umaangkin ng katotohanan, sino kaya sa kanila ang pinakatotoo?
Sa aklat ng Pahayag 3:12 mayroong tinutukoy na isang templo ng Diyos na kung halungkating dagdag ang iba pang talata sa Bibliya ito’y isang tao na kakasihan ng Espirito Santo. Ang espirito ay walang katawan kaya paano siya makapagsalita sa ganyang kalagayan, kaya siya’y gagamit ng katawang tao upang magaganap ang kanyang sadya ditto sa lupa. Ganito ang sabi, “ANG MAGTATAGUMPAY AY GAGAWIN KONG ISANG HALIGI SA TEMPLO NG AKING DIYOS, AT HINDI NA SIYA MAAALIS DOON MAGPAKAILANMAN. IUUKIT KO SA KANYA ANG PANGALAN NG AKING DIYOS. ANG BUONG JERUSALEM NA BABABA MULA SA LANGIT BUHAT SA AKING DIYOS. IUUKIT KO RIN SA KANYA ANG AKING BAGONG PANGALAN”.
Maliwanag na mayroon bagong pangalan ang Diyos para doon sa mga magtatagumpay kaya tiyak na hindi Jesucristo ang tinutukoy na pangalan ditto. At ang mga taong makakaalam ay makakarating sa kaharian ng Diyos na bababa dito sa lupa. Kaya mapalad ang maghahanap at makasumpong sa taong magiging templo ng Diyos dito sa lupa dahil tiyak ang kaligtasan para sa kaniya. Sa Juan 16:16-17 ay ganito ang sabi ni Jesucristo, “DADALANGIN AKO SA AKING AMA, AT KAYO AY BIBIGYAN NIYA NG ISANG PATNUBAY NA MAGIGING KASAMA NINYO MAGPAKAILANMAN. ITO AY ANG ESPIRITO NG KATOTOHANAN NA HINDI MATANGGAP NG SANLIBUTAN SAPAGKAT HINDI SIYA MAKIKITA NI MAKILALA NG SANLIBUTAN, NGUNIT NAKIKILALA NINYO SIYA, SAPAGKAT SIYA’Y SUMASAINYO AT NANANAHAN SA INYO. Madaling sabi ang espiritong ito ay gagamit ng katawan ng tao na syang tinutukoy na templo sa Pahayag 3:12. At dagdag pa nito, ang sabi ni Jesucristo sa Juan 16:7-8 ay ganito: “NGUNIT DAPAT NINYONG MALAMAN ANG KATOTOHANAN: ANG PAG-ALIS KO AY PARA SA IKABUBUTI NINYO; SAPAGKAT HINDI PAPARITO SA INYO ANG PATNUBAY KUNG HINDI AKO AALIS, NGUNIT KUNG UMALIS AKO, SUSUGUIN KO SIYA SA INYO. PAGDATING NIYA AY KANYANG PATUTUNAYAN SA MGA TAO SA SANLIBUTAN NA MALI ANG PAGKAKILALA NILA SA KASALANAN, AT IPAKILALA NIYA KUNG ANO ANG MATUWID, AT KUNG ANO ANG KAHATULAN”. Sa mga talatang yan ay malinaw na malinaw na hindi si Cristo ang nagpaliwanag sa katotohanan kundi ang templo ng Espirito Santo na sang-ayon sa mga salita ni Jesucristo ay siya ang nagsugo nito.
Kaya sa panahong ito ay dapat pagsikapan na matagpuan ang templong ito dahil siya lamang at wala ng iba ang makapagpapaliwanag sa buod ng katotohanang inaasam-asam ng lahat. Ang kaguluhang nagbabalot sa bawat sektang ginagamit ng bawat relihiyon ay hindi makapagbibigay ng linaw sa lahat maliban sa taong ito. Mapalad ang makakakilala sa kanya dahil tiyak na mapapabilang ang kanyang pangalan sa Aklat ng Buhay. Yan ang pang-24 dibisyon sa spiritual.
Ito ang kabuuan ng 24 Ancianos, mga Espiritong katulong ng Diyos sa kanyang paglalang sa lahat ng bagay, at bago sila magsimula sa kanilang gawain, sila’y nagsasalita ng sabay-sabay at ganito ang sabi nila, “GIPARO HIP GIPARO CIHIP GRUMUGAM EMPRIUMISIC HELNAGAM UMAN HEMSPAG HURMPA HURMPAS NURGUM SURISITIM DAB GOLO MENTUM HISIM MEMENTO PUI RATAM PATER EST ARIA sa pamamagitan ng mga salitang ito ay nabuo sila ng lubusan pati ang kani-kanilang kapangyarihan, at dito ay nagkaroon sila ng tanda ng pag-uugnay sa bawat sandali sa Infinito Diyos.
ANG PAGLALANG NG DIYOS
Nang matapos likhain ang 24 Ancianos (24 espirito) na siyang naging katulong sa lahat niyang mga gawain, inihanda Niya ang apat na elemento upang ang mga ito ay maging sangkap sa gagawing daigdig. Ito ay ang Lupa, Tubig, Hangin at Apoy. Ang mga elementong ito ay ang pinagmulan ng lahat ng bagay sa labas at loob ng mundo . Dito rin nanggaling ang sangkap at kabuohan ng katawan ng tao, ganoon din naman sa lahat ng may buhay sa lupa, gaya ng mga hayop, tanim at ng halaman.
Ang Infinito Diyos at ang mga espiritong kanyang kaantabay ay abalang-abala sa paghahanda sa bawat bagay na kanilang lilikhain, bawat sandali ng pangangailangan sila ay nagtitipon-tipon at nag-uusap upang mapagkaisahan ang mga bagay na dapat magaganap. Kahalintulad ng gagawin nilang kahoy may nagsabi na ang malaking kahoy ay hindi dapat malaki ang bunga dahil pag mahulugan ang mga tao o ang hayop ay hindi mamamatay at ganoon nga ang nangyayari, ang maliit na kahoy ay siyang malalaking bunga.
Ang bawat kaantabay ng Diyos ay gumagawa sang-ayon sa kani-kanilang tungkulin kaya lahat ng bagay na kanilang naiisipang gawin ai kanilang ihahanda ang mga sangkap nito upang sa oras na kanilang umpisahan ang paglalang ay preparado na.
Unang araw ng Paglalang
Ang apat na elemento ay wala pang hugis, wala pang porma at hitsura ang apat na ito ay pinagbuklod-buklod ng Infinito Diyos sabay ang salitang “CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM” kaya nagkaroon ito ng hugis. Sa aklat ng Genesis 1:1-2 ay ganito ang nakasulat, NANG SIMULANG LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT ANG LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO. DILIM ANG BUMABALOT SA KALALIMAN AT UMIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”. Maliwanag na mula nang likhain ang mundo ito’y mayroon ng lupa, hangin at tubig bagamat wala pa itong anyo.
Ang Infinito Diyos ay nagsalita muli ng ganito, “ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TREASET BUITARAP”, at nabuo ang apat na elemento at nagiging isang mundo, at muling nagsalita ang Diyos ng ganito, “MANAOT LUMBRATE ACTIVE DEUS MEAVITE DEUS SANCTA MEUS”, at nagbukod ang Lupa at Tubig, at may sinabi pa, “MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM”, ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaiba-ibang bansa.
Sa Genesis 1:3-5 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGKAROON NG LIWANAG, AT NAGKAROON NGA, NASIYAHAN ANG DIYOS NANG ITO’Y MAMASDAN. PINAGBUKOD NIYA ANG LIWANAG AT ANG DILIM. ANG LIWANAG AY TINAWAG NYANG ARAW AT ANG DILIM NAMAN AY TINAWAG NA GABI – IYON ANG UNANG ARAW”. Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang pagkasabi ng Diyos, “EVITE LUXEL BAARUPATAP MUMSAPER DIELUCAM DAUCAM HUMIEYER PEMHUMAC AIDISTORBA BARTASI JELUMEL MENAC CAATOR POOC LAAT BARPITUM EGO RUSARITUS MUNDUM YIBESLIHA HAC MILUREMUS EGRUMINTOR BIMSITOR HANDOOR DEUS”. Nang ito’y masabi ay naghiwalay ang liwanag at ang dilim at nangyari ang pinakaunang araw sa buong kasaysayan.
Ang unang araw sa kanilang paglalang ay nagbigay ligaya sa Infinito Diyos ganoon din sa Kanyang mga kaantabay, maligaya silang nagbabatian at dahil doon ay may sinabi ang Diyos na ganito, “HUMBRE SE LUMBRE BIRHAMOY DIDUCAM BALRISI HUMAHUM MIGTIAL SACSILUOM DEUS SIGHOM”, at ang 24 Ancianos ay sumagot ng ganitong salita, “DEUS EGOSUM MON NUMBRE SILAC CARTOAM DEUS EGOSUM MOSTAHUS HIGRUSILUM CIAMIMCUM EDRUTE ACDUDUMIM MOMINTOR”. Pagkatapos noon ay nagsimula na naman silang maglalang ng pangalawang araw na ubod ng ligaya ang kanilang mga mukha.
Pangalawang araw ng kanilang paglalang
Sa araw na ito ay ginawa ng Diyos ang kalawakan upang mamagitan sa tubig na nasa itaas at sa may bandang ibaba, kaya ang sabi sa Genesis 1:6-8 ay ganito, “SINABI NG DIYOS: “MAGKAROON NG KALAWAKANG MAGHAHATI SA TUBIG UPANG ITO’Y MAGKAHIWALAY AT NANGYARI ITO. GINAWA NG DIYOS ANG KALAWAKAN NA PUMAGITAN SA TUBIG NA NASA ITAAS AT NASA IBABA. LANGIT ANG TAWAG NYA SA KALAWAKAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA. IYON ANG IKA-2 ARAW”.
Sa tagong kasaysayan naman ay ganito ang sinabi ng Diyos nang ginawa ang kalawakan, “BERNATE DEUS MOSHIC HACCOMEUM SUPERNA EGOSUM”. At nang tawagin niya ang kalawakan na LANGIT ay ganito ang salitang binigkas Nya, “BUNAMORATE AB SILOC HISCORTE CAELUM”. At dagdag nito upang maging ganap ang pinaka-unang pangalawang araw sa buong kasaysayan ng paglalang, nagsalita muli ang Panginoon. “NUMBRATE CAELORUMET TERRAM DISIDIDUM MUNDUM LACIMUNA HIGROSEM PACTOBOTEL ECRAESIM EGO DEUS MUNDURARIPUS DEUS”. Nang ito’y masambit sumagot ang 24 Ancianos ng ganitong salita, “REJIGESE BISOLANE BIENTE QUATOR SEÑORES EGOVIS SANCTE LUMIHIDAM PARPARAM SARALAM BUNCAO PIIG SINTURISMO EGOSUM DEUS”. Pagkatapos noon ay naganap ang ikalawang araw ng paglikha.
Pangatlong araw
Sa araw na ito ay pinagsama-sama ng Diyos ang tubig sa isang dako upang lumitaw ang lupa, tumubo ang sari-saring halaman, mga kahoy na siyang sanhi ng kagandahang hindi pwedeng pantayan. Ang mga bulaklak na kung pagmasdan ay parang nagpapaligsahan sa ganda. Ang punong kahoy na halos nagtataasan upang matatanaw ang kapaligiran nagsisayahang lumanghap ng simoy ng hanging sariwa at ang mga kabundukang punong-puno ng sari-saring halaman ay parang nag-aawitan sa tuwa dahil nadarama ang kaligayahang walang halo kundi puro kagalakan.
Sa Genesis 1:9-13 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGSAMA SA ISANG DAKO ANG TUBIG SA SILONG NG LANGIT UPANG LILITAW ANG LUPA, AT ITO’Y NANGYARI. ANG LUPA AY TINAWAG NIYANG DAIGDIG AT KARAGATAN NAMAN ANG NAGSAMA-SAMANG TUBIG. NASIYAHAN SIYA NANG ITO’Y MAMASDAN. PAGKATAPOS, SINABI NG DIYOS, MAGKAROON SA LUPA NG LAHAT NG URI NG HALAMANG NAMUMUNGA AT NAGBUBUTIL. AT NANGYARI ITO. TUMUBO NGA SA LUPA ANG MGA HALAMAN. NASIYAHAN SIYA SA KANYANG GINAWA NANG ITO’Y MAMASDAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA – IYON ANG IKA-3 ARAW.
Nang pinagsama ang Tubig upang lumitaw ang Lupa at ganito ang sinabi ng Diyos sang-ayon sa tagong kaalaman. “DIRACTOR HOBI COMES TUNADOR EMPARITILLOS SIRCABUS HUMRETOS”. Nang ginawa ang mga damo at halaman ay ganito ang sabi ng Diyos. “UCCOLUM HUMBARQUIDE ADOACTE FIGNIMUS ET BARTUARUS”, at nagsalita muli upang tumubo ang mga kahoy at lupa, “LYACHAM LAYALGEM LAYAFARAN LIALFARAH LEBARA LEBAROSIN LAYARAROLUS”, pagkatapos sa mga salitang ito lumitaw at tumubo ang lahat ng uri ng punongkahoy sa balat ng lupa.
Ang pangatlong araw sa kanilang paglalang ay nagbigay dagdag ligaya sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, ubod sa ligaya ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “DEUS MEUS CASTABOLANE EGOSTILLOS BUADOS MACRISE HIGUTE VILVO HUMAR ESORASIOM TUBBY”. Nang madinig ito ng 24 Ancianos sila’y sumagot ng sabay-sabay sa pamamagitan ng mga salitang ito. “DEUS APTRIS TITRUS EGO SUM MEUM TOCRIBUS TAALIRUS ROROLUS DEUS BAARTIBUS SICUTABUS ESTIMUS HONTIBARUM MUMBORUM EGO SACLO LUMBRE MUSTAEMTILUS.” Pagkatapos sa mga salitang ito ay naganap ang pangatlong araw.
Pang-apat na Araw ng Paglalang:
Sa araw na ito ay nilikha ng Diyos ang Araw, Buwan, at mga Bituin. Ang Araw ay nakalaan upang magbigay liwanag sa panahon ng araw at ang Buwan ay para magbigay liwanag sa gabi. Ang mga Bituin naman ay upang magbigay kagandahan sa buong kalawakan lalong-lalo na sa panahon ng gabi. Ang mga ito ay siyang tatanglaw sa buong mundo.
Sa Genesis 1:14 hanggang 18 ganito ang sabi: “SINABI NG DIYOS. MAGKA-ROON NG MGA TANGLAW SA LANGIT PARA MABUKOD ANG ARAW SAS GABI. ITO ANG MAGIGING BATAYAN SA BILANG NG MGA ARAW, TAON AT KAPISTAHAN. MULA SA LANGIT, ANG MGA ITO’Y MAGSASABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG AT GAYON NGA ANG NANGYARI. NILIKHA NG DIYOS ANG DALAWANG MALAKING TANGLAW: ANG ARAW, UPANG TUMANGLAW SA MAGHAPON, AT ANG BUWAN, UPANG MAGBIGAY LIWANAG KUNG GABI. NILIKHA RIN NIYA ANG MGA BITUIN, INILAGAY NIYA SA LANGIT ANG MGA TANGLAW NA ITO UPANG MAGSABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG. TUMANGLAW KUNG ARAW O GABI, AT MAGBUKOD SA LIWANAG AT DILIM. PINAGMASDAN NG DIYOS ANG KANYANG GINAWA AT SIYA’Y NASIYAHAN.” Ganyan ang sabi sa hayag na karunungan.
Nang Likhain ang Araw:
Bagamat sa hayag na kaalaman ay may malaking kakulangan sa tunay na pangyayari, ang tago naman ay ganito ang pagpaliwanag. Nang likhain ng Diyos ang Araw na ito ang salitang Kanyang binigkas: “HICAAC ESPIRITUM MEUM ET CUM SARMUNDI VESET NOS EMPERIM”. Nang ito’y masabi biglan nagkaroon ng bulang apoy na siyang nilikha ang araw ng Infinito Diyos at ito’y inilagay niya sa gitna na kalawakan upang magbigay ng tanglaw sa daigdig. “SARMUNDI ENERITUM MURLUM MACMITOR HIGUR.” Ang araw ay nagkaroon ng dalawang mata na siyang nagbigay buhay sa init nito: “SINASOP MISOP HUMPILAC LARAMEUS EGLOREMOS”. Nagkaroon ng dalawang tainga upang madinig kung ano man ang pag-uutos ng Diyos sa kanya. “BUCERRA LAGASTOSE HINLOT MIMPAL EGOPAL LACMIT SUNIMBUR DEUS TORSILATUS”, nagkaroon ng bibig upang may kakayahang makipag-usap sa mga nilikha ng Diyos gaya ng Buwan, mga Bituin, at higit sas lahat ay makapagbigay siya ng mensahe sa Diyos sa kahit anong bagay ng ginagawa ng tao at iba pang mga nilalang ng Diyos sa mundo, kaya isa ito sa dahilan kung bakit ang tao hindi puwedeng magsinungaling sa Kanya.
Ang Pang-anim na Araw ng Paglalang
Sa araw na ito ay nilalang ng Diyos ang Tao at mga Hayop. Dito ginawa ang unang tao na tinatawag niyang Adan at Eva at ang ito ay binigyang kapangyarihan upang mamahala sa lahat ng hayop, isda at ibon ditto sa lupa. Sa Genesis 1-:24 hanggang 30 ay ganito ang nakasulat: “SINABI NG DIYOS: MAGKAROON NG LAHAT NG URI NG HAYOP SA LUPA – MAAMO, MAILAP, MALALAKI AT GAYON NGA ANG NANGYARI NILIKHA NGA NIYA ANG LAHAT NG ITO, SIYA’Y LUBOS NA NASIYAHAN NANG MAMASDAN ANG MGA ITO.
Pagkatapos likhain ang mga ito, sinabi ng dios ngayon: “LALANGIN NATIN ANG TAO, ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN, SIYA ANG MAMAHALA SA MGA ISDA, MGA IBON AT LAHAT NG HAYOP, MAGING MAAMO O MAILAP, MALAKI O MALIIT.”
Nilalang nga ng Diyos ang mga tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya: “MAGPAKARAMI KAYO AT PUNUIN NG INYONG MGA SUPLING ANG BUONG DAIGDIG AT PAMAHA-LAAN ITO. BINIBIGYAN KO KAYO NG KAPANGYARIHAN SA MGA ISDA, SA MGA IBON, AT SA LAHAT NG URI NG BUTIL AT MGA BUNGANG KAHOY NA INYONG MAKAKAIN, ANG LAHAT NG HALAMANG LUNTIAN AY IBIBIGAY KO NAMAN SA MAILAP NA HAYOP, MALAKI MAN O MALIIT AT SA LAHAT NG MGA IBON.” At ito nga ang nangyari.
Ang pang-anim na Araw ay siyang panghuli sa paglalang ng Diyos. Dito nagkaroon ng makulay at buhay ang sandaigdigan gawa ng nagkaroon na ito ng nilalang na siyang mamahala at magtatakbo sa lahat ng may buhay.
Sa tagong karunungan ay ganito ang salaysay na ang Diyos ay lumalang sa lahat ng uri ng mga hayop, ang Diyos ay nagsalita ng ganito: “MURPICTICTUM ET NUNUM EMERENCIANA ET NUNUM MITAM”, nang ito’y masambit kumalat sa mga kabundukan at sa kapatagan ang lahat ng uri ng hayop, ito’y maging maamo o mailap o maliit o malaki, at muling nagsalita ang Diyos upang mabasbasan ang mga ito: “NUMBRIBUS TICUS DEUS HAMPIR NIMRUBATO CULAMPAIM MICTURIMUS INIMITUS MUNDUM SINUGRATOR HIGMACANUM”.
Nang likhain ang unang tao sa mundo ay pinangalanan itong ADAM (Adan). Ang pangalang ADAM ay hinugot mula sa apat na buntala na tanglaw ng mundong sangtinakpan, ang salitang pinagmulan ay ito: A – ASTROS D – DISIS A – ANATUL M – MISEMBRE.
Ang Genesis 2:7 ay ganito ang nakasulat: “NILIKHA NG DIYOS ANG TAO MULA SA ALABOK, HININGAHAN SA ILONG AT NAGKAROON NG BUHAY.”
Subalit sa tagong karunungan ay ganito naman ang kasaysayan. Inihanda ng Diyos ang mga sangkap na ipinagkaloob sa tao na ang mga ito ay SUBTILIDAD, IMPASIBILIDAD, AGILIDAD at CLARIDAD. Ang mga apat na ito ay hinugot mula sa apat na elemento sa mundo na walang ia kundi ang APOY, HANGIN at LUPA at TUBIG. Pagkatapos ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “SUBTILIDAD PAMULI OQUIP PENSEMULI OSIM PERLIM ODIM PEMPAUM, IMPASIBILIDAD PINCUAM CUGEP PELINCUAM HIFERE PAUPERUM ICUIS, AGILIDAD PINTUIM PICERE PINTUM ARIEP PINCUIM ACUTIM, CLARIDAD PINDIMALLIM PERCUIM LIATUM PAMULI LICARIUM.”
Nang matapos magsalita ang Infinito Diyos ay kumuha ng isang dakot na alikabok at nagsalita muli: “TE EJETUR CLEMENTISSIME PATER PER DEUS ESPIRITUM TUUM DOMINUM NOSTRUM SUPLICES ROGAMUS AC PETIMU UTI ACCEPTA HABEAS ET BENEDICAS DOMINE INTOTO CORDE MEO QUEMADMODUM DAMAHI LUMECH GADAL PANCIA VEFOAS MEOROD LAMIDOCH BALDACHANERETHON MITATRON, HAEC DONA HAEC MUNERA HAEC SANCTA SARAFICIA ILLIBATA ALASASES LATORES ARAM ARADAM ADRADAM FRUOISIERE ABE ABEUC ABEIC ABEICA CARMAR AC OC DEUS.” Ang alikabok ay maging tao, subalit ito’y wala pang buhay kaya nagsalita muli ang Diyos at ito’y hiningahan sa ilog sa ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI JOHAOC ABHA HICAAC AERISIT HOCTACSIT ALIMIRACTIM HOCMITAC AMINATAC HIPTAC”, at upang pasukan ang katawan nito ng apat na elemento, ito ang sinabi ng Diyos: “PAMPANABAL PRUITIATEM GETECAN TES PUICCIMPRIAEM CRUISISIUM.”
Ang katawang material ay dapat magkaroon ng espirito kaya nagsalita ang Diyos ng ganito upang pasukan ng espirito ang katawan ni Adan: “ACUTIN PERICTATOS REXSISIUM CINCIMATIM PIMPUMABAL PICIONABAL PAMPANABAL, at upang gumalaw ang katawan ni Adan: “ALLITUIM HISIUMIEM ALLITAM RACIONISUM PICERE SARAPACIONEM PIMPUMABAL, at para makapagsalita si Adan, anito ang sabi ng diyos: “PELINCUAM PRILICAM PURITIRITIS PAMPANABAL, at upang maging normal na tao si Adan, at huwag Makita ang kanyang espiritu, “PURFIFINICURI PANPANABAL EUNIC CIUME ESISIRA PAMPANABAL SUBIRISATI NIMTAR CRUITIATOR GUM.”
Nang matapos mabasbasan si Adan, ito’y naging tunay na tao, subalit may nakita ang Diyos na dapat magkaroon si Adan ng kasama, kaya sa Aklat ng Genesis 1:18, 21, 22, 23, 24, 25 ganito ang sabi: “MATAPOS GAWIN ANG LAHAT NG ITO, SINABI NI YAHWEH, HINDI MAINAM NA MAG-ISA ANG TAO, BIBIGYAN KO SIYA NG MAKAKASAMA AT MAKATULONG KAYA’T PINATAWAG NI YAHWEH ANG TAO. SAMANTALANG NAHIHIMBING, KINUHA NIYA ANG ISANG TADYANG NITO AT PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG TADYANG NA IYO’Y GINAWA NIYANG ISANG BABAE, AT INILIPAT SA LALAKI. SINABI SA LALAKI, “SA WAKAS, NARITO ANG ISANG TULAD KO, LAMAN NG AKING LAMAN, BUTO NG AKING BUTO, BABAE ANG SIYANG ITATAWAG SA KANYA SAPAGKAT SA LALAKI NAGMULA SIYA. ITO ANG DAHILAN KAYA INIWAN NG LALAKI ANG KANYANG AMA AT INA UPANG SUMAMA SA KANYANG ASAWA, SAPAGKAT SILA’Y NAGIGING IISA. KAPWA SILA HUBAD, GAYUN MA’Y HINDI SILA NAHIHIYA.”
Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang kwento. Noong si Adan ay naging tao na, nakikita niya ang ibang nilalang na gawa ng Diyos ay mayroong mga kaparis, sinabi niya sa sarili na mabuti pa ang mga hayop ay mayroon silang kapareha. Naramdaman ni Adan ang lubos na pangungulila kaya nagsalita siya ng ganito: “DEUS EGOM MUNTAR EGO SUSTI MITIMI PAC LUBAR DATUM MEUM” at nadinig ito ng Diyos at sumagot ng ganito: “REPITUMI MAUCAT DAETIVES MENHAT MAUCNAT,” at natapos itong masabi nakatulog si Adan at habang mahimbing itong tulog na magsalita uli ang Diyos ng ganito: “MEMUS MAUS MITOS DIMUS RATULIA DOMINUS DEUS” nang ito’y masambit hinugot ng Diyos ang isang tadyang sa bandang kaliwa ni Adan at nagsalita ng ganito: “MAUSTIVUS DICRIS TAUS” at hinilom ang laman na pinagkunan ng tadyang.
Itinabi ang tadyang sa natutulog na Adan at nagsalita muli ang Diyos ng ganito: “PUROKUS MURAMUS DITESUM HUM MEAM DAUTINAL LACRIBUS HUSIBIBUS EGOSUM at naging babae ang tadyang, hiningahan ng Diyos sa ilong ng ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI RONAOC DUMAC ABHATAC ANATAC SIBULERUS DEUS MEAS HAAC TAAC NAAC” at nagkaroon ng hininga ang babae at upang maging tunay na tao ang babae ay ganito ang sabi ng Diyos: “LUMARAC MUAM MICTIM JUNAUS TAAMIMIT RICSAULAR SILUSTUMI JUMARI.”
At biglang nagising si Adan at maligaya siya nang makita niyang mayroon na siyang kasama. Tinawag niya Eva ang babae, ang pangalang EVA ay hango sa tatlong ilog na pinakamalaki sa mundo, E – EUFRATES, V – VILHA, A – AEDOM. Kaya, nang ginawa ng Diyos, ganito ang sinabi Niya: “ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN” at dahil hindi Siya nag-iisa, kasama Niya ang 24 Ancianos. Ganyan ang sabi ng tagong kasaysayan.
Gayon nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon sa loob ng anim na araw at Siya’y nagpahinga sa pang pitong araw.
Sa mga nakaraang mga labas ay naikwento kong paano ang paglalang ng Diyos ng Mundo, at sa lahat na may buhay pati na sa mga kahoy at mga halaman, maliban dyan ganoon din ang paglikha ng araw, buwan, mga bituin at iba pa sa pamamagitan ng tago (Isoteric) at hayag (Ecclesiastical) na karunungan ng Diyos.
Sa Biblia naitala ang mga taong inuutusan ng Diyos dito sa lupa. Mula kay Adan, Noe, Abraham, Jacob, Moses, Haring David at marami pang iba hanggang sa panahon ng Panginoong Jesucristo pati na si Juan ang sumulat sa pinakahuling aklat ng biblia walang iba kundi ang Pahayag, ang mga ito ay nagtataglay ng dalawang uri ng karunungan ng Diyos, ang Hayag at Tago.
Sa panahon pa ni Adan mayroon itong kakayahan na kakausapin ang mga kahoy at halaman pati ang mga hayop ng kanyang nasasakupan. Ipinagkaloob ng Diyos sa kanya na magtataglay ng ganitong klasi na karunungan.
Sa panahon ni Moses ganoon din, ating matutunghayan sa Biblia ang limang aklat na sinulat ni Moses bilang hayag niyang karunungan, ang mga ito ay ang aklat ng Genesis, Exodo, Levetico, Mga Bilang at Deuteronomio.
Maliban dito ay mayroon pang limang aklat na hindi naitala sa biblia ito ang pang anim, pang pito, pang walo, pang siyam at pang sampu. Mapalad ang makatuklas nito dahil dito ibinulgar ni Moses ang pinaka-ubod sa mga tago niyang karunungan, gayan ng pagbiak niya sa dagat, ang tungkod ay ginawa niyang ahas at marami pang mga kababalaghaang ginawa niya dito.
Si Haring David sa kanyang paghahari ay nagdanas ng maraming labanan na kong saan ay lagi itong nagwagi libo-libo ang kalabang namamatay sa digmaan subalit sa kanyang mga tauhan ay wala ni isa ni masugatan man lang. Sa mga nakaalam sa tagong karunungan naniwalang mayroong itinuro si Haring David sa kanyang mga tauhan na mga pangdepensa sa labanan na kong tawagin ito sa kasalukuyang panahon ay anting anting (amulet). Mayroon si Haring David salita na panghahalina sa mga babae ito, kong tawagin ay gayuma at ito’y naitala sa biblia na niya ay mayroong isang legal na asawa at mayroon 99 na mga illegal na asawa. Ganoon din si Haring Solomon na siyang pumalit sa kanya, 300 na legal asawa at 700 illegal na mga asawa sang-ayon pa sa biblia.
Ang ating Panginoong Jesucristo ay naitala sa biblia tungkod sa mga himala at kababalaghaan niyang nagawa, gaya ng tubig ginawang alak, bulag nakakita, bingi nakadinig at higit sa lahat ay ang bumuhay ng patay, ang mga ito ay pagpapatunay lang na si Panginoon Jesus ay nagtataglay ng tago ng karunungan ng Diyos.
Ang tagong karunungan ay nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit o pagbigkas ng mga salitang LATIN, gaya ng ating Panginoon Jesucristo ay naitala sa biblia ang mga salitang LATIN na kanyang binigkas ng Siya’y bumuhay ng patay. Sa Marcos 5:41 ganito ang sabi: “HINAWAKAN NIYA ITO SA KAMAY AT SINABI. “TALITA KUMI” NA ANG IBIG SABIHI’Y “ENING” SINABI KO SA IYO MAGBANGON KA!” Sa ganoong salita lamang ay bumangon at nabuhay ang 12 anyos na batang babaeng bago lang namatay at namangha ang mga taong nakasaksi.
Ang Lihim at Hayag na Karunungan ni Jesucristo
Ang Panginoong Jesucristo ay nagta-taglay ng dalawang uri ng karunungan, ito ay ang hayag (Ecclesiastical) at ang tago (Esoteric) na siyang ginamit Niya sa kanyang mga himala at kababalaghaan noong nandidito pa siya sa Mundo.
Maraming aklat na nagpapatunay sa buhay ng ating Panginoon Jesucristo, mga pangyayaring hindi nakasulat sa biblia. Kung tutuosin mas mahaba ang hindi nakasulat, ito ay labing-walong taon samantalang ang nakasulat ay mula noong Siya’y isinilang hanggang labing-tatlong taon gulang at naputol ito, bumalik ng Siya’y nagkaidad na tatlongpu at pagdating sa tatlongpu’t tatlong taon gulang siya’y ipinako na ng krus.
Ang tanong, itong labing-walong taon na nawawala sa biblia, ano ang ginagawa na ating Panginoon Jesucristo sa mga panahong ito? Bago natin tatalakayin yan, balikan muna natin ang pangyayari sa buhay na pinagmulan ng ating Panginoon.
Sa tagong karunungan ay naitala na ang mga magulang ng ating Panginoon Jesucristo ay nagmumula ng isang maliit na samahan ng mga Judio. Gaya rin sa mga panahon ngayon na ang mga Cristiano ay nagkabuklod-buklod subalit iisa ang pinaniwalaang Diyos. Ang maliit na samahang yoon ay pinamagatang ESSENNE at ang namumuno nito ay si Joseph ang tumatayang Ama ni Jesus. Sang-ayon ng kasaysayan ay hindi sila umabot ng isang libo sa dami. Sila’y nag-aaral ng mga tago na karunungan natutunan nila mula pa sa kanilang mga kanununuan subalit sila’y naniniwala rin ng mga doktrinang ipina-sunod ng mga pinuno ng mga Judio gaya ng mga batas na nagmumula sa mga Pariseo at mga saserdote.
Maliban sa mga doktrinang sinusunod nila mula sa mga Judio mayroon din silang doktrinang pansarili sang-ayon sa kanilang paniniwala bilang mg nasasakupan ng samahang ESSENNE. Si Maria na ina ni Jesucristo ay noong apat na taong gulang pa lamang ay ipinasok na sa isang pagsasanay at may kasama itong labing isang mga batang babae ay nagdaan ng mahirap na pagsubok, itinuturo sa kanila ang tamang asal, mga pag-uugali, lalong lalo na sa pagdadasal sa takdang oras. Ang pakay sa pagsasanay na ito ay paghahanda sa sinabi ng Diyos sa kanilang ninunong si haring David tungkol sa Misiyas na isisilang sa kanilang angkan.
Sa aklat ng lumang Tipan, 2 Samuel 7:13 ganito ang nakasulat: “SIYA ANG MAGTATAYO NG TEMPLO PARA SA AKIN, AT SA KANYANG ANGKAN MAGMUMULA ANG MAGHAHARI SA AKING BAYAN MAGPAKAILANMAN”, ang mga salitang sinabi ng Diyos doon kay haring bago ito mamatay, ang tinutukoy ng Diyos na magtatayo ng kanyang Templo ay si haring Solomon na siyang pumalit ng paghahari ni David at magmumula sa kanyang lahi ang maghahari magpakailanman na natutupad ito sa pamamagitan ni Jesucristo.
Sa wala pa ang ating Panginoon Jesus. Si Joseph noong panahon na yoon ay siyang namumuno ng isang maliit na samahang pinamagatang ESSENNE. Ang samahang ito ay isang kawan na nagmumula sa mga Judiyong di kilala sa lipunan o mga Judiyong nasa mababang antas ng susidad.
Dito bilang pinuno si Joseph, nagtuturo siya ng mga tagong karunungan ng Diyos (Esoteric) bilang gabay ng kanyang mga nasasakupan. Ang karunungang ito ay kanyang nasunod mula pa sa kanilang mga kanununuan buhat pa kay Abraham. Sa panahon ngayon ang mga taong nag-aaral ng mga tagong karunungan ay hindi kinikilala sa madla, ganoon din si Joseph noon mga panahon na iyon. Wala siyang salitang pinakinggan sa lipunan maliban sa kanyang mga nasasakupan lamang na siyang masugid na tagasunod sa mga doktrinang kanilang pinag-aralan.
Sa kanilang samahang ito si Joseph ang kinilalang propeta, sa paniniwala nila si Joseph ay Templo ng Diyos sa panahong yoon. Isang gabi si Joseph ay kinasihan ng Espirito at sinabihan siya na magpili ng 12 batang babae na may apat na taong gulang, at sinunod ito si Joseph, ginawa niya ang pagpili at isa na nito ay si Maria na siyang naging ina ni Jesus.
Ang 12 batang babae ay nagkaroon ng mga pagsasanay, (Training) itinuturo sa kanila ang wastong pag-uugali sa pagkilos, pananalita, pananamit, pagkain, pagdarasal at sa lahat ng bagay na ikakalugod ng Diyos, lalong lalo na sa tagong karunungan na siyang sentro ng mga pagsasanay na ito. Habang ang mga batang ito ay tinuturuan ng mga maraming bagay tungkol sa tagong karunungan, sila’y dinadaan sa maraming pagsubok sa pamamagitan ng eksaminasyon para malaman kung sino sa kanila ang pinakamagaling at matalino. Sa ilang taong pagsasanay na ito, lumalabas na si Maria ang laging nangunguna sa bawat pagsusuri at paligsahan na nagaganap.
Nang ang mga 12 batang babae ay nagkaedad na ng 12 taong gulang din, sa pamagitan ng panaginip si Arkanghel Gabriel ay nagpakita kay Joseph at nagsabi na si Maria ang nakapasa sa lahat ng pagsubok at pagsasanay, at dahil dito si Maria ang nakatakdang magsilang ng isang batang lalaki na siyang naging Mesias ng buong mundo si Kristo Jesus.
Sa edad ng 12 anyos si Maria ay nagpapatuloy ng pagsasanay subalit nag-iisa na lamang siya, hindi na kasali yong 11 batang kasama niya sa unang pagsasanay na nagaganap. Sa mga panahong ito iba na ang itinuturong pag-aaral dahil matataas na antas ng espirituwal na kaalaman ang kanyang pinag-aralan gaya ng pagpapasok ng espirito sa katawan ng material na tao (insertion) at papaano nakakausap ang mga ito. Ang lumang tipan sa aklat ni Ezekiel 2:2 bilang pagpapatunay na ang tao ay pwedeng papasukan ng Espirito ng Diyos ang katawan nito, ganito ang sbi: “KASABAY NOON, NILUKUBAN AKO NG KANYANG ESPIRITU AT ITINAYO AKO UPANG PAKINGGAN ANG KANYANG SASABIHIN.” At sa Pahayag 1:10 ganito rin ang sabi: “NOO’Y ARAW NG PANGINOON, KINASIHAN AKO NG ESPIRITU, AT NARINIG KO MULA SA AKING LIKURAN ANG ISANG MALAKAS NA TINIG NA PARANG TUNOG NG TROMPETA.” Ganyang ang nakasaad sa hayag na karunungan, ang Biblia.
Ang samahan ESSENNE ay mayroong lugar kung saan idinadaos ang kanilang pagdarasal, ang lugar na ito ay para sa kanila isang banal, ito’y malapit lang sa kanilang mga kabahayang gawa ng lupa at ipinaghalong abo upang maging matibay, ang lugar na ito ay tinawag nilang balbanera, ditto sila makipag-usap sa Panginoon sa panahon ng pangangailangan. Isang panahon si Maria mayroong kinatatakutan at siya’y nagtago sa lugar na ito, at habang siya’y nagtatago nagbanggit siya ng salitang ganito: “IGNE NATURA RENOVATOR INTEGRA OC ADONAI LIBERARI NOSTRI TRINITATIS DEI BALBANERA CUBRE SACUBE DEUS VIVAS” at pagkatapos mabanggit ang mga salitang yoon ay biglang nawala ang naramdaman niyang takot.
Popular Posts
-
MGA TUNGKULIN NG 24 ANCIANOS 1. UPHMADAC - Ito ang pinakaunang espirito sa 24 Ancianos, maliban sa pagbabantay sa unang oras o al...
-
DALAWANG KARUNUNGAN NG DIYOS ANG SANDAIGDIGANG TIRAHAN NG MGA NILALANG NG DIYOS AY MAYROONG LIBO-LIBONG URI NG PANINIWALANG HALOS ...
-
A balut or balot is a developing duck embryo that is boiled alive and eaten in the shell. It is commonly sold as streetfood in the...
-
Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan. (Cry at night and you will be happy tomorrow.) Huwag kang magsuklay ng iyong bu...
-
Ang salitang Flores ay nagmula sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “bulaklak”. Ang mga Espanyol rin ang nagpakilala sa ating mga P...
-
Huwag maliligo sa araw ng Biyernes (Don't take a bath on a Friday.) Huwag maliligo sa hapon. (Don't take a bath in the aft...
-
Inisip ng Dios na bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay magkaroon siya ng isang kasangguni na ...
-
Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon. (Whatever you do or feel on Ne...
-
Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan. (Avoid recurring dreams by turning your pillow...
Connect with Facebook
Sponsors
Statistics
Blog Archives
- October 2014 (1)
- January 2014 (28)
Recent Comments
Tag Cloud
Labels
Action
(1)
Alamat
(2)
Articles
(1)
Documentary
(1)
Fantasy
(1)
Horror
(2)
Humor
(1)
Images
(6)
Jokes
(6)
Kababalaghan
(3)
Lagim
(3)
Legends
(2)
Lihim
(3)
Love Story
(1)
Music
(3)
Mystery
(1)
Novels
(4)
Others
(1)
Pamahiin
(5)
Poem
(1)
Qoutes
(1)
Recipes
(1)
Religion
(4)
Ridels
(1)
Romance
(3)
Sayings
(1)
Sci-Fi
(1)
Short Story
(1)
Superstitions
(5)
Tradition
(1)
Videos
(4)